RSS

SPES screening, dinagsa

Masusing pinili ng PESO at PAC ang mga aplikante ng SPES.

Masusing pinili ng PESO at PAC ang mga aplikante ng SPES.

Nina Angelyn S. Lacambra at Elizabeth Leeanne B. Collado

Dinagsa ng daan-daang estudyante ang pagpipili o screening para sa Special Program for Employment of Students (SPES) na ginanap noong April 22-23, 2015 sa Governor’s Pavilion at Capitol Gym, Capitol Hills, Tuguegarao City. Ito ay pinangunahan ng Public Employment Services Office (PESO) at People’s Action Center (PAC). Layon ng pagpipili na salain ang mga aplikante batay sa requirements at standards na dapat sundin bago sila tuluyang matanggap bilang student-employees.

Ayon kay Teofilo Paulasa Jr., Officer-in-charge ng PAC, ang pagsasagawa ng screening ay mahalaga dahil dito mahigpit na sinasala ang mga karapat-dapat para sa SPES. “Sa pamamagitan ng screening ay makikilala natin ang mga estudyanteng mahihirap ngunit may angking galing at talento na higit na nangangailangan ng assistance para sa kanilang matrikula at iba pang pangangailangan sa darating na pasukan. Ang mga makukuha na student-employees ay dapat handang magtrabaho tulad ng isang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan at buo ang determinasyon para sa mga iaatas na gawain para sa kanila sa iba’t ibang opisina sa Kapitolyo,” dagdag ni Paulasa.

Samantala, ikinatuwa naman ni Marites Taccad, PESO Manager ng lalawigan, ang bilang ng dumagsang aplikante para sa SPES ngayong taon. Ayon sa kanya, ito ay nagpapatunay na parami ng parami ang kabataang nagnanais magkaroon ng makabuluhang gawain tuwing bakasyon. “Nakakataba ng puso na masilayan ang masidhing pagnanais ng kabataang Cagayano na magkaroon ng sariling mapagkakakitaan at makatulong sa kanilang mga magulang. Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan na higit na mapayabong ng SPES hindi lamang ang kanilang pangangailangang-pinansiyal kundi gayon na rin ang kanilang kakayahan sa pagtatrabaho, pakikisalamuha, at tamang pakikitungo sa mga kliyente.

Ang SPES ay taunang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang 60% ng kanilang sasahurin ay magmumula sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan at ang 40% naman ay manggagaling sa DOLE.

Ang mapipiling SPES student-employees ay magsisilbi sa PAC, Provincial Information Office, Provincial Learning Resource Center, Provincial Natural Resources Environment Office, at Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office.

 
Leave a comment

Posted by on May 6, 2015 in NEWS

 

(January 12, 2015)

MESSAGE OF GOVERNOR ALVARO T. ANTONIO
BEFORE THE SANGGUNIANG PANLALAWIGAN OF CAGAYAN
ON THE FAILURE TO PASS THE 2015 BUDGET

On January 5, the first day of work this new year 2015, I was surprised and dismayed to find out that the 2015 budget was not passed by the Sangguniang Panlalawigan. Immediately I conferred with Atty. Romeo Guillermo, our Provincial Legal Officer, on the implication of the non-passage of the budget before the onset of the 2015 fiscal year. Atty. Guillermo drew my attention to Section 323 of the Local Government Code, which warns of the consequences of the delay or failure to pass the budget.

Section 323 of the Local Government Code states that if the budget is not passed for the fiscal year, what is immediately operative starting January 1 is the budget of the preceding year, which is the 2014 budget. This is what is called a reenacted budget. The 2014 reenacted budget is what is in force if or until the Sangguniang Panlalawigan approves the 2015 budget. Also, the 2015 budget, if approved, will not retroact to January 1. Its effectivity is only on the date of approval and onwards.

Under a reenacted budget, the whole Provincial Government is paralyzed because Section 323 allows only three items upon which funds can be expended:
1. Salaries of employees with existing positions, i.e., only permanent and casual employees;
2. Statutory and contractual obligations; and lastly
3. Essential operating expenses.

Therefore, the effect of a reenacted budget, which is what is in force right now, is instant, far-reaching and debilitating. The ones who immediately suffer are the over 1,000 job orders of the province. We cannot renew our job orders because without a 2015 budget, we cannot compensate them. If we pay them under a reenacted budget without showing that they are part of essential operations of the province, we will all be facing charges before the Ombudsman. That is why with a heavy heart, I had no choice but to issue a memorandum directing the job orders not to report for work anymore.

In sum, a reenacted budget means that the Provincial Government cannot implement any programs and activities to serve the people of Cagayan. It means:
1. No job orders, except only those essential to operations
2. No financial assistance to municipalities and barangays except the mandatory P1,000 provided by the LGC to be given to LGUs
3. No medical assistance to indigents
4. No Philhealth services to indigent patients
5. No scholarship or stipend for our 4,000 scholars
6. No infrastructure projects
7. No medical missions or vaccination programs by our PHO or Vet, etc.

Our Sangguniang Panlalawigan and PPDO staff were in earnest to refer our budget situation to the Department of Budget and Management. They went to the DBM on January 5. Answering their query, the DBM affirmed Atty. Guillermo’s understanding of Section 323 of the Local Government Code and the present effectivity and limitations of the reenacted budget.

Hence, there was no misinformation or disinformation given by myself, my office or the Provincial Information Office to the job orders or to the public at large. I would also like to emphasize that the gathering of the job orders and other employees was not a rally. It was a legitimate exercise and expression of their constitutional right to peacably assemble and petition government for redress of their grievances. In fact, I laud their initiative to implore the Sangguniang Panlalawigan to pass the budget, and I am proud of them for not taking things sitting down. Their action is the very essence of GOBYERNO TI UMILI.

Respecting the budget process, in behalf of the Executive Branch, I humbly submit that we have done our part. We presented to the Sangguniang Panlalawigan the total proposed Budget Document on October 2014, pursuant to Section 318 of the Local Government Code. The budget for the Annual Investment Plan is part of and included in the Budget Document. The SP’s request for the Programs of Work and other details of executive implementation of projects under the AIP was gracefully acceded to by the Executive and submitted on the first week of December. Thus, it is lamentable that the SP session this afternoon, if it pushes through, will only be the First Reading of the budget.

I greatly appreciate the effort of the Sangguniang Panlalawigan to tackle other matters in the latter part of December, such as for example the 200M loan of the province with the Landbank for the completion of the Cagayan Sports Complex and the hosting of the national athletic meet for the State Colleges and Universities’ Athletic Association. However, giving the same, if not more attention to passing the budget, would have more readily ensured the immediate payment of the loan, as such payment is part of the 2015 budget. Like the Vice-Governor, I do not want to impose upon the next governor such unfulfilled obligation. Why in heaven would I want my successor to suffer the burden of a loan, which I was made to bear when I first entered office in 2007. In my last one and a half years in office, I pledge to leave only good will, good memories and lasting legacies to the people of Cagayan. Upon my honor, I will see to this.

On the attendance of the Department Heads in the Budget Committee hearings. On December 8, the department heads did attend and defend their respective office budgets. They did not go the following day because they thought their role was done. Also, I would like to point out that in the communication sent to the heads, the Sangguniang Panlalawigan required their presence or that of their “competent representative.” They meant no insolence or disrespect to this revered body.

I, however, do have something to say on this matter. I would like to gently chide the honorable members of the Sangguniang Panlalawigan: Dear friends, the department heads are MY department heads, MY alter egos. Whatever you say or do unto them, you say or do unto me. The truth is, they hesitate to come before you not because they have something to hide from you, but because they — and I — feel that you do not give them the regard and courtesy that they deserve, that any person deserves. For example, all the department heads were on their way to the Committee hearing last Wednesday. But when not-so-august words were uttered by some august members of this body, such as when BM Abraham and BM Pagurayan espoused that the heads be apprehended and bodily carried before the Sangguniang Panlalawigan, I directed my department heads to turn back. I cannot subject my department heads, who are our colleagues and fellow public servants, to such public flogging, aspersion and humiliation.

And so, as Chief of the whole Executive and in the name and for the sake of all the people of Cagayan, I am here to defend the 2015 budget. Ladies and gentlemen, I am ready to answer your questions.

12 January 2015, 10:00 AM

 
Leave a comment

Posted by on January 12, 2015 in Uncategorized

 

Daniw Ti Umili (11/24/2014)

peoples action masthead final jpeg

 

BIAG NI MANNALON
(Jackieward I. Yague)

Biag ni mannalon pudno a narigat…
Isakripisyo na ti bumangon nasapa a
bigat…
Iti talon inna turungen tapnu pagay na
inna taripatuen

Biag ni mannalon ket napnuan ragsak
Aglalo nu tiempo apit ket naruay isem
na di marsaat
Tay bannog ken puyat na nasubadan
napintas a gasat…

Biag ni mannalon adda met paset ni
sanaang
Aglalo dumteng daguyemyem tay layus
a kunada
Mapangiwingiwing ulo kudkuden na, tay
namnamaen nga apit ket
nadeppesen…

Ngem ni mannalon isu’t dur-I ti pagilian
Uray produkto na tay presyo kanayun
nga  bumaban
Di agsardeng nga agmulan para
pagsayaatan tu kaaduan…

 
Leave a comment

Posted by on December 15, 2014 in NEWS

 

People’s Action News (11/24/2014)

Pagpapasinaya nina Gob. Antonio, Bise-Gob. Fausto at Mayor Pattung sa Baggao District Hospital.

Pagpapasinaya nina Gob. Antonio, Bise-Gob. Fausto at Mayor Pattung sa Baggao District Hospital.

Noong Nobyembre 18, 2014,  ginanap ang pagpapasinaya sa District Hospital sa barangay Tungel sa bayan ng Baggao. “Libreng serbisyo para sa kalusugan lalo na sa mga hikahos,”  ito ang tahasang ipinahayag ni Gobernador Alvaro T. Antonio. Ang kanyang mensahe ay nakatuon hindi lamang para sa bayan ng Baggao kundi sa buong lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan mismo ni Gob. Alvaro T. Antonio at Bise-Gobernador Leonides N. Fausto ang pagpapasinaya sa nasabing district hospital. Sa naging mensahe ng Gobernador, binigyang diin niya na isang magandang serbisyong pangkalusugan ang iniaalay ng kanyang administrasyon sa mga mamamayan sa bayan ng Baggao.

Ayon sa Gobernador, bawat pasyente na papasok sa mga district hospitals ay mabibigyan ng libreng serbisyong pangmedikal.

Dagdag pa niya na sa pamamagitan ng mga magagaling na doktors, narses, makabagong kagamitan at aparato, malawak at maaliwalas na gusali ay naipapaabot ang serbisyong medikal sa mamamayan ng Baggao upang hindi na magtungo pa sa lungsod ng Tuguegarao para magpagamot.

Hinikayat din ni Gob. Antonio ang mamamayan ng Baggao na pahalagahan ang nasabing pasilidad sapagkat ito ay inilaan para sa kapakanan ng mga residente rito. Samantala, sa mensahe ni Bise-Gobernador Leonides N. Fausto, na ang bayan ng Baggao ay pinaglalaanan ng malaking pondo sa ilalim ng administrasyon ni Gob. Antonio at ito lamang ang bayan na may tatlong district hospital sa buong lalawigan upang pagsilbihan ang 48 na barangays dito.

Ang ospital na matatagpuan sa barangay Tungel ay pinangalanang Baggao District Hospital na may 10 bed capacity at pansamantalang nasa kategoryang Infirmary at nakaprogramang maging District Hospital at kalaunan ay nagkaroon ng 25 bed capacity. May malawak na Emergency Room, delivery room, laboratory department (OPD). Kasama na rin ang Doctor’s Quarter ang kanilang Pediatric ward ay kumpleto sa makabagong pasilidad. Kasalukuyang ginagawa ang mga kwartong paglalagyan ng ultra sound at x-ray machine. Humigit kumulang sa 1.5 na ektarya ang lupang kinatitirikan nito, at nagkakahalaga ng 25 Milyon at 10 Milyon naman ang halaga ng mga pasilidad.  Ito ay pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan mula sa Trust Fund at katuwang ang Department of Health.

Ang pagpapasinaya ay dinaluhan ng mga local officials sa bayan ng Baggao, sa pangunguna ni Mayor Leonardo Pattung at Vice-Mayor Emily Carmona, kasama ang Sangguniang Bayan Members ng Baggao, kapitan at mga barangay tanod. Kasama ang 2 doktor at 15 narses at narsing aid mula sa Provincial Health Office sa pamumuno ni Provincial Health Officer Dr. Marcos M. Mallillin, kasama sina Dr. Carlos Cortina III, Dr. Charity Canapi na siyang magiging OIC-Chief of Hospital at iba pang mga kawani mula sa iba’t ibang departamento at dibisyon sa Kapitolyo.

Ipinahayag din ni Mayor Leonardo Pattung ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ni Gob. Antonio sa napakaraming proyektong naipatupad sa bayan ng Baggao. Ayon kay Pattung, ang lupang kinatatayuan ng nasabing ospital ay ibinigay ng LGU Baggao para sa nasabing ospital. Ito ay napagkaisahan ng mga Sangguniang Bayan members upang mapagsilbihan ang mga pangangailangang medikal ng Baggao.

Peace and Order Forum ginanap

Reclaim Peace in Tuguegaro, Stop the Killings.” Ito ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gobernador Alvaro T. Antonio at ang lahat ng dumalo sa Peace and Order Forum na naganap Lunes ng Nobyembre 17, 2014 sa People’s Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa naganap na forum na dinaluhan ng ilang political leaders ng Tuguegarao sa pangunguna ni Mayor Engelbert Caronan, Jr., mga hanay ng kapulisan sa pangunguna rin nina Police Chief Superintendent Ronaldo Olay, OIC-Provincial Chief of Police at Police Chief Superintendent Jessie B. Tamayao na OIC-Chief of Police ng siyudad, dumalo rin si Atty. Amador T. Arao, Provincial Prosecutor, mga barangay officials sector ng VODA, JODA, TODA pati na rin ang ilang representante ng mga kabataan.

Nabanggit ng Gobernador na kinakailangan ng bawat mamamayan na magtulungan upang masupil ang laganap na kriminalidad sa puso ng Cagayan na siyudad ng Tuguegarao. “Ang dami ng namatay sa siyudad na ito, mahigit na sa daliri ko ang bilang ng mga hindi pa naresolbang kaso dito sa Tuguegarao. Huwag kayong mawalan ng pag-asa, ako kasama si Mayor Caronan at ang hanay ng mga kapulisan ang kasangga niyo. Kung may nalalaman kayo huwag kayong matakot na magsalita dahil kami ang aalalay sa inyo,” sabi ng Gobernador sa mga taong natatakot lumantad dahil sa takot na balikan sila ng mga gumawa ng krimen.

Sa kabilang banda inilatag naman ni PSupt. Jessie Tamayao ang kapabilidad ng hanay ng kapulisan sa pagsawata ng mga kriminal na nagkalat sa siyudad.

Sinabi nito na kulang talaga ang kapulisan ng Tuguegarao sa pagbabantay sa bawat sulok ng siyudad. “Ang police to population ratio sa atin ngayon ay 1:789, mayroon tayong pitong substation at lumalabas na ang isang pulis ay para sa limang libong Tuguegaraoeños, mayroon lang din limang patrol cars na lumilibot sa buong siyudad, kung aasahan lang natin ang kapulisan maaaring mahantong talaga sa kamatayan ng mga biktima,” sambit ni Tamayao.

Ayon sa pagtatasa ng kapulisan, ang siyudad ng Tuguegarao ay tahimik at nagkagulo lamang dala ng usaping political at sosyal na bumabalot sa siyudad.

Ngunit sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sinabi ng Gobernador na bilang solusyon maglalagay sila ng mga high  end na CCTV cameras sa siyudad upang mamonitor lahat ng check points. Nagdagdag na rin ng tatlongpu’t libong PNP members na ikinalat na sa lungsod.

Nais din ng Gobernador na magbigay ng mga motorsiklo at hand held radios sa bawat barangay upang ang bawat barangay officials ay makatulong sa pag responde at magbigay ng impormasyon na kinakailangan sa paglutas ng krimen.

Nangako pa ang Gobernador na magbigay ito ng tatlong Multicab sa mga COMPAC stations upang mapunan ang kakulangan sa patrol cars ng pulisya.

TIMEK ITI NORTE
MENSAHE NI GOB. BONG ANTONIO
PEACE AND ORDER FORUM
November 17, 2014

 Mappiya nga umma ta nikayu ngamin. Mayor Jojo Caronan, Vice Mayor De Guzman, the Honorable Councilors of the City Of Tuguegarao, Piskal Arao, Col. Olay, COP Tamayao, mga kapulisan, mga Brgy. Captain, mga NGO’s, mga TODA, mga VODA, mga JODA, kayong lahat na nandito ngayon. Nagpapasalamat ako at dumalo kayo sa pagpupulong natin tungkol sa kapayapaan. Alam nating lahat may problema. Ang problema natin ay ang deteriorating peace and order situation. Hindi ko lang problema ito, hindi lang problema ni Mayor Caronan, hindi lang problema ng kapulisan, problema nating lahat ito. Nasisira na ang Tuguegarao. May pananaw na masama ang Peace and Order dito sa Tuguegarao. Malaking problema ito. Let us help each other, let us pull our resources. Magtulungan tayo, mag-coordinate tayo para itong problema na ito ay mabigyan ng solusyon. Uulitin ko problema nating lahat ito.

Kung mahal niyo ang Cagayan, kung mahal niyo ang Tuguegarao everbody should help to arrest the deteriorating peace and order in the Province of Cagayan especially Tuguegarao.
Sinasabi ko ang puso at mukha ng Cagayan ay ang Tuguegarao. If we allow the peace and order situation in the heart and face of the province of Cagayan apektado tayong lahat, walang mangyayari sa atin, masisira ang prubinsiya, masisira ang Tuguegarao. Let us help one another, problema nating lahat ito. Let us not give up into complacency. Huwag tayong magkumpiyansa na Tuguegarao is relatively peaceful. Hindi totoo iyan. Alam nating lahat na lumalala ang peace and order in the City of Tuguegarao. There is fear among the people. There is animosity among the different political personality in the City of Tuguegarao. We have to say and admit that. Nagkawatak-watak ang liderato ng City of Tuguegarao. We must solve and address this problem.

The mark of a good leader is that they must have no right or left, walang kaliwa’t kanan in implementing their duties and obligations, in implementing their roles as leaders. Let no political affiliations be the source of dispensing political favors. Then and only then can we get the trust of the people, then and only then can we live up to our mandate, na tayo ang leader, leader ng lahat, hindi lang leader ng magkakakampi. I would want this to happen in Tuguegaro, and this change should start coming from us. Nahihiya na ako sa mga nangyayari sa ating Tuguegarao. So I have taken this step na para ma-restore ang confidence and trust of the people to their officials, to the kapulisan, we the leaders of the Province, we the leaders of the city of Tuguegarao, we the kapulisan, we who are members of the law enforcement agency and the leaders of the law enforcement agency should get back the trust that the people have repose on us.

Make that trust stronger, then and only then we can face ourselves in the mirror, and say we are doing our job and we are doing it well.

Mga kababayan, mga minamahal kong nandito ngayon. Let us device a system wherein we could coordinate and help one another arrest this deteriorating peace and order. On part of the provincial government, I have manifested this to the City officials, to the kapulisan, that we must have good source of information. People the citizenry, everyone should speak out, and tell the authorities of what is happening in their barangays. In their sitio’s in their locality. We should encourage the people to talk about matters that pertains peace and order situation. Let us get their trust. The best way to get back the trust of the people is for its leaders na ipakita ginagawa natin ang trabaho. Kung isang political leader ay nakikinig lang sa mga kasamahan niya sa politika, walang mangyayari sa leader na iyan! yung Brgy. Captains, Brgy officials should speak out and stand.

Kayat niyo laingen na kastoy ti mapas-pasamak? Mabutbuteng kayo amin. Adda daguiti nasayaat nga leader nga naaddaan iti nasayaat nga intensiyon ken kaya na nga itakder protektaan ken depensaran da kayo. Once you do your job as a good citizen.

Nu kaspangarigan saan kayo nga agtalek kadaguiti namnamaen yu nga mangidadaulo ket saan da kayu nga denggen, adda nak nga mangitakder kadakayu. I stand and I will protect people who will cooperate and help the province, the city, to maintain peace and order situation. The Government , the Provincial Government, the City Government is not without resources, capability and ability to do what is right at ma-resolve ang problema nating peace and order situation. Speak out! Agsarita kayo. Ado daguiti makaammo kadaguiti mapaspasamak iti nagkal-labes, ngamin laeng, mabuteng da. Takot silang magsalita at takot silang magsabi kasi baka itong pulis na ito, itong leader na ito isusumbong ako at reresbakan ako.

I appeal to your sense of goodness, and sense of love to your fellow Tugegaraoeños, and your love for your city, to motivate you, to cooperate, and help the leaders of the city, mga kapulisan, mga law enforcement agencies natin. I have device a system wherein those who perform their civic duties, those who go beyond their call of duty, performed great will be humbly rewarded and recognized.

 
Leave a comment

Posted by on December 15, 2014 in NEWS

 

Mga Testimonya ng natulungan ng PHILHEALTH-Point of Care ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan – ALCALA Community Hospital

alcala district hospitalPebrero ng kasalukuyang taon, inilunsad ang programang PhilHealth – POINT OF CARE na ang layunin ay tulungan ang mga kababayan natin dito sa Lalawigan ng Cagayan na walang kakayanang magpagamot o magkaroon ng Agarang Atensyong Medikal at ang pag- enrol sa Philhealth sa lahat ng mga cagayano na maa- admit sa mga District Hospitals. Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Alvaro Antonio, ang siyang magbabayad ng kaukulang halaga sa Philhealth bilang membership fee na siyang magagamit sa loob ng isang taon. Pantay- pantay ang pagturing at walang pinipiling katayuan sa buhay ang programang ito lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.

joy

Ako po si Joy C. Catuiran, Nakatira po ako sa barangay Calamagui, amulung, Cagayan. Naconfine po ang aking anak dijto sa Alcala District Hospital, nagpapasalamat po ako kasi nakasali po ako sa philhealth at malaking tulong po para sa aming pamilya napakalaking tulong po para sa amin dito sa hospital.

Maraming salamat po.

 
Leave a comment

Posted by on October 22, 2014 in Health Corner

 

BIN-I TI AGTUTUBBO Scholarship and Youth Development Program Awarding Ceremony Isinagawa

DSC_3966 DSC_3976 DSC_3986 DSC_4001 DSC_4006 DSC_4011 DSC_4016 DSC_4021 DSC_4029 DSC_4038 DSC_4040 DSC_4055 DSC_4062 DSC_4067 DSC_4074 DSC_4085

Ni: Elizabeth LeeAnn B. Collado

Ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang stipend ng mga iskolar ng BIN-I TI AGTUTUBO Scholarship and Youth Development Program ngayong umaga na ginanap mismo sa opisina ni Gobernador Alvaro T. Antonio.

Dinaluhan ito ng mga coordinators at representatives ng mga iba’t ibang colleges at Unibersidad dito sa lalawigan kasama ang 66 estudyante na full iskolars.

Sa kanyang mensahe sinabi niya na dinagdagan ng Pamahalaang Panlalawigan ang stipend para sa Student Assistance. Mula P2000 ay ginawa itong 2500 na nag umpisa ngayong unang semester ng taong kasalukuyan.

“Hindi hihinto ang Pamahalaang Panlalawigan sa paghahanap ng pondo para madagdagan ang maibibigay na stipend sa ating mga iskolars,” dagdag pa ni Gobernador Antonio.”wika pa ni Gobernador Antonio na bawat isa sa atin ay maaaring magbigay karangalan sa ating probinsya.Pinatunayan ito ng isang iskolar ng BIN-I TI AGTUTUBO na naging 2nd placer sa katatapos lang na board exams ng Certified Public Accountants. Dahil dito, magbibigay din ang Pamahalaang Panlalawigan ng karagdagang insentibo sa mga mag-aaral na nagbibigay karangalan sa lalawigan upang sa gayon ay lalo pa nilang paghusayan ang kanilang pag aaral.

Samantala, pina alalahanan ni Jeannie T. Magday tagapamahala ng BIN-I TI AGTUTUBO Scholarship Program sa opisina ng People’s Action Center na dapat irenew ng mga iskolars ang kanilang scholarship upang sa gayon ay patuloy nila itong magamit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 
Leave a comment

Posted by on October 20, 2014 in NEWS

 

Mga Testimonya ng natulungan ng PHILHEALTH-Point of Care ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan –STA. ANA Community Hospital

sta ana commun ity hospitalPebrero ng kasalukuyang taon, inilunsad ang programang PhilHealth – POINT OF CARE na ang layunin ay tulungan ang mga kababayan natin dito sa Lalawigan ng Cagayan na walang kakayanang magpagamot o magkaroon ng Agarang Atensyong Medikal at ang pag- enrol sa Philhealth sa lahat ng mga cagayano na maa- admit sa mga District Hospitals. Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Alvaro Antonio, ang siyang magbabayad ng kaukulang halaga sa Philhealth bilang membership fee na siyang magagamit sa loob ng isang taon. Pantay- pantay ang pagturing at walang pinipiling katayuan sa buhay ang programang ito lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.

img040

Sir Governor Bong Antonio,

                Siac ni Zenaida Damaso nga agnaed iti San Vicente, Sta. Ana, Cagayan. Umona iti amin cablaawan ca sir, agyamanac iti daytoy nga programam ta dackel ti naitulong na kada cami sir aglalo ket awan pulos iti mabalin mi, marigrigat cami laeng sir, saan ko nga mayebcas sir no casano ti incami panagyaman kadakayo.

                Thank you sir agyaman kami unay iti ado cadacayo sir. Ni Apo Dios ti mangbendisyon kadacayo thank you.

                Godbless you all.

                    Zenaida B. Damaso

 
Leave a comment

Posted by on October 16, 2014 in Health Corner