RSS

Disaster Risk Reduction Management, Water Search and Rescue (WASAR), Other Life Saving Techniques Training

04 Oct

By: Aida B. Cabauatan

Nagsimula noong ika-24 ng Setyembre 2012 ang Disaster Risk Reduction Management, Water Search and Rescue(WASAR), at iba pang Life Saving Techniques Training sa PDRRMC Office sa San Gabriel Tuguegarao City.

Umabot sa tatlumpu’t pitong mga empleyado ng Kapitolyo mula sa iba’t ibang department ang sumali upang magsanay. Lima sa nasabing bilang ay mga babae.

Ang pagsasanay na tumagal ng sampung araw ay naglalayong higit na maparami ang bilang ng mga rescuers sa buong lalawigan at upang sanayin ang mga empleyado ng Kapitolyo upang maging handa sa panahon ng kalamidad.

Sa loob ng sampung araw na pagsasanay, tinalakay sa mga trainees ang tungkol sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa RA 10121 at Management Framework ng Disaster Risk Reduction, Geological Related Hazards, Incident Command System, Rescue Concepts & Procedures, General First Aid, Emergency Rescue Training at marami pang iba.  Matapos ang mga lectures ay aktuwal na isinasagawa ng mga trainees ang kanilang mga natutunan.

Nagtungo din ang grupo sa Josefa Bridge at doon isinagawa ang “rapelling” at sa Callao naman isinagawa ang water search and rescue.

Magtatapos ang nasabing pagsasanay sa Oktubre 3, 2012.

 
Leave a comment

Posted by on October 4, 2012 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: