RSS

P5.7 M, ipinamahagi sa mga BTA Scholars

04 Oct

By: Aida B. Cabauatan

Dumalo ang may pitong daan at limampung mga estudyante mula sa iba’t ibang mga unibersidad at kolehiyo dito sa probinsiya sa ginanap na awarding ceremony noong ika-24 ng buwang Setyembre sa Kammaranan Hall sa Kapitolyo.

Ang kabuuang halaga ng cheke at cash ang nai-award sa mga estudyante ay P5,745,000.  Kung saan P495,0000 ang ibinigay sa mga full scholars para sa kanilang tuition fee at stipend; P4M para sa student assistance; P750,000 para sa OJT at P500,000 para sa Cagayan Technical Education Scholarship Program (CTESP).

Sa nasabing aktibidad, nagbigay ng mensahe si Gobernador Alvaro T. Antonio sa lahat ng mga dumalo at kanyang hinikayat ang mga kabataan na magsumikap sa kanilang pag-aaral lalo na sa mga panahong ito.  Idinagdag pa nito na sisikapin ng pamahalaang panlalawigan na madagdagan pa ang mga proyektong nakatuon sa kapakanan ng mga kabataan sa lalawigan.

Nagkaroon din ng oryentasyon hinggil sa konsepto ng Gobyerno Ti Umili sa mga kabataan lalo na sa mga bagong mga iskolars.

Binigyang pansin din ng People’s Action Center ang mga problemang kinakaharap ng mga estudyante sa mga paaralang kanilang pinapasukan.  Mismong si Ms. Cristina I. Antonio ang nagbigay ng kasiguruhan sa mga kabataan na laging bukas ang kanilang opisina sa anumang problema at tiniyak nitong sa pamamagitan ng mga PAC staff ay mas lalong mapapadali ang pagproseso ng  mga papeles at mga cheke.

 
Leave a comment

Posted by on October 4, 2012 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: