RSS

Information Education Campaign hinggil sa Rabies, isinagawa ng PVET

05 Oct

By: Aida B. Cabauatan

Nagsagawa ang Provincial Veterinary Office ng Information and Education Campaign (IEC) hinggil sa rabies at responsableng pet ownership noong biyernes, ika-28 ng Setyembre kasabay ng selebrasyon ng World Rabies Day.

Ang IEC ay magkakasunod na isinagawa sa iba’t ibang mga elementary schools dito  sa lungsod ng Tuguegarao.  Ang mga eskwelahang pinuntahan  nina Dr. Wilfredo Iquin at Dra. Micaela Ponce ay base na rin sa insidente ng rabies. Kabilang dito ang Tuguegarao West Central School, Tuguegarao North Central School, Pengue Ruyu Leonarda Elementary School, Carig Elementary School, Tuguegarao East Central School at  Tuguegarao Northeast Central School.

Sa isinagawang IEC, nagkaroon ng film viewing at lecture hinggil sa rabies at responsible pet ownership.  Nagkaroon din ng open forum matapos ang presentasyon.

Kasabay nito, binuksan din ang stray dog impounding facility sa Claveria, Cagayan.  Ang dog pound ay ginawa bilang bahagi ng rabies control program ng nasabing bayan.

 
Leave a comment

Posted by on October 5, 2012 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: