RSS

Mga pamilya sa Ballesteros, nabigyan ng mga manok

05 Oct

By: Aida B. Cabauatan

Dalawampu’t limang pamilya mula sa bayan ng Ballesteros ang nabigyan ng mga hybrid na manok kamakailan. Ito ay alinsunod na rin sa interbensiyon ng Provincial Veterinary Office sa programa ng nutrisyon sa lalawigan.

Ayon kay Ophelia Catienza ng Provincial Veterinary Office, ang mga pamilyang nabigyan ng mga manok ay ang mga pamilyang may mga underweight children base na rin sa datos ng Municipal Nutrition Council ng Ballesteros.

Ang mga batang underweight ay nasa pre-school at school children ng mga barangay ng Nararagan at Macugay sa bayan ng Ballesteros.

Unang nagsagawa ng seminar ang Provincial Veterinary Office noong unang lingo ng Setyembre. Isinunod na dito ang pagpapamahagi ng dalawang hybrid na inahin (ready to breed) at isang tandang (rooster).

Ang programang pagbibigay ng mga manok sa pamilyang may mga underweight na mga anak ay isang paraan upang matulungan ang mga pamilya na makaiwas sa malnutrisyon.

 
Leave a comment

Posted by on October 5, 2012 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: