RSS

PIACAT, nagpulong

05 Oct

By: Aida B. Cabauatan

Nagpulong kamakailan ang mga miyembro ng Provincial Inter-agency Committee Against Trafficking (PIACAT) upang magbigay ng update hinggil sa mga kasalukuyang mga kaso ng human trafficking dito sa lalawigan. Ang pagpupulong ay ginanap sa  Casa Angela Hotel, lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay PSWD Officer Edna T. Junio, sa kasalukuyan ay apat na kaso ng human trafficking ang naitala ng DSWD Region 02 dito sa lalawigan at ito ay naisampa na sa korte. “Ito ay kaunti lamang kung ikukumpara sa mga nagdaang kaso ng human trafficking dito sa lalawigan. Ito ay bumaba dahil na rin sa mga adbokasiyang isinusulong ng DSWD at PSWD at ng iba pang line agencies.  Sana, sa susunod na panahon ay tuluyan nang maubos ang mga kasong naitatala laban sa human trafficking upang wala ng mga kababaihang aabusuhin,” pagtatapos ni Junio.

Ayon pa sa ulat ng DSWD Region 02, tatlumput walo(38) na biktima ang naisalba ng kanilang team laban sa human trafficking na isinagawa sa iba’t ibang videoke bars sa buong rehiyon.

Ang programang ito ay regular na isinasagawa upang higit na mapaigting ang mga kampanya laban sa karahasan sa mga kababaihan.  Tinalakay din sa pulong ang Anti-Traficking in Persons database na naglalayong I systematize ang identity ng mga biktima sa tinatawag na Management Information System kung saan, poprotektahan ang kanilang mapagkakakilanlan.

 
Leave a comment

Posted by on October 5, 2012 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: