RSS

Training on Capacity Development for Flood Management in River Basins of the Philippines

05 Oct

By: Ophelia Eduardene M. Parallag

Tatlong araw ang ginugol sa training hinggil sa Capacity Development para sa Flood management sa iba’t ibang river basins sa buong Pilipinas.

Para sa Cagayan River basin, ginanap ang nasabing training sa Hotel Carmelita, Tuguegarao City. Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng DOST, DPWH, PAG-ASA, NIA, PGC at iba’t ibang DRRMC’s sa mga munisipalidad at probinsiya na sakop ng Cagayan River Basin.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng International Centre for Water Hazard and Risk Management(ICHARM) bilang katuwang ng Asian Development Bank (ADB) at PAG-ASA para sa Regional Capacity Development Technical Assistance project hinggil sa “Supporting Investments in Water-Related Disaster Management-related Activities.

Sa pamamagitan nito, mababawasan at maiiwasan ang mga water-related disasters sa iba’t ibang panig ng bansa lalo sa sakop ng Cagayan River Basin.

Nabatid na ang Cagayan River Basin ang pinakamalaking river basin sa buong Pilipinas kaya’t kailangan ang ibayong paghahanda.

Ang nasabing training ay nakatuon sa mga sumusunod na topiko gaya ng pagsasanay hinggil sa pagtukoy ng mga sanhi ng mga pagbaha sa pamamagitan ng pag-incorporate sa mga satellite-based at ground observed na mga data; pagsasanay hinggil sa pag-aaral ng mekanismo ng pagbaha sa Cagayan River Basin at ang paggamit ng mga impormasyon para sa mga kasalukuyang flood monitoring system.

 
Leave a comment

Posted by on October 5, 2012 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: