RSS

Culminating activity para sa National Correctional Consciousness Week Celebration isinagawa

15 Nov
CPJ inmates join the parlor games during the culminating activity.

CPJ inmates join the parlor games during the culminating activity.

By Jesusa S. Avena

Matagumpay na idinaos ang culminating activity para sa selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week Celebration na isinasagawa tuwing huling lingo ng Oktubre.

Nagsagawa ang Provincial Warden’s Office ng dance contest, parlor games at pagbisita sa mga selda at awarding ceremony para sa isinagawang sports activities ng Cagayan Provincial Jail (CPJ) inmates.

Nanguna sa dance contest ang inmates ng Insular at Provincial cell habang pumangalawa naman ang grupo mula sa Detention cell. Nagwagi naman sa pinakamaayos at pinaka-malinis na selda ang Detention Cell.

Sa sports activities nanguna ang Provincial Cell sa basketball, Insular Cell sa volleyball at ang Detention Cell sa chess at table tennis naman.

Sa isang panayam kay  Provincial Warden Perfecto Santos, ang aktibidad ay isang paraan ng paggunita ng National Correctional Consciousness Week Celebration. Ito din ay pagbibigay halaga sa  inmates sa lipunan at maiangat ang kanilang self-esteem.

Sa kaugnay na balita, dalawampung inmates ang sumailalim sa eksaminasyon ng Alternative Learning System ng Department of Education na isinagawa sa Provincial Warden’s Office.

Ayon kay Education Program Supervisor Daisy Moral ng DepEd Division Office of Tuguegarao City, sumailalim ang  20 inmates sa 10-buwang modular instruction scheme upang maturuan sila  sa larangan ng pagbabasa, pagsusulat  at iba pang academic subjects.

Sinabi pa ni Moral na karapatan ng mga inmates ang makapag-aral at matuto ng akademya upang sa kanilang paglabas sa piitang panlalawigan, magagamit ng mga ito ang kanilang natutunan upang makahanap ng trabaho at makapag-simula muli sa kanilang buhay.

 
Leave a comment

Posted by on November 15, 2013 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: