RSS

National Children’s Month Celebration idinaos sa Cagayan

15 Nov

Childrens

Daycare children join the National Children’s Month celebration.

By Mielmia Marie T. Baquiran

Nakiisa ang Provincial Social Welfare and Development Office sa pagdaos ng National Children’s Month noong Nobyembre 8, 2013 sa Villa Victoria Hotel, Tuguegarao City. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang MSWD Officers ng ilang mga munsipyo ng probinsiya, kasama ang kanilang mga daycare workers, daycare children at kanilang mga magulang.

Ayon sa mensahe ni Helen Donato, Assistant Provincial Social Welfare and Development Officer, ang aktibidad na ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang “Kahirapan Wakasan, Karapatan ng Bata Ipaglaban.” Ayon kay Donato ang tema ng selebrasyon ay napakahalaga sa pagpapatupad ng ilang ahensiya ng pamahalaan na maibsan ang kahirapan sa bansa at mapabuti pa ang kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbigay ng tamang edukasyon.

Hinikayat pa ni Donato ang mga  alagad ng batas na patuloy na ipabatid ang mga karapatan ng mga bata at ang pag-iwas sa anumang karahasan sa mga bata sa pamamagitan ng mga diyalogo at mga nararapat na paraan. Hinikayat din ni Donato ang mga magulang at mga guro na lumahok sa mga oryentasyon at mga adbokasiya tungkol sa karapatan ng bata, pang aabusong sekswal at mga karahasan laban sa mga bata. Sinabi din niya na dapat maging bigilante ang bawat pamilya upang mabantayan ng husto ang paglaganap ng di kanais-nais na aktibidad na sumusupil sa maayos na paglaki at pag-unlad ng mga bata sa ating komunidad.

Samantala, isang singing at isang dancing contest ang ginanap sa pagdaos ng selebrasyon sa Villa Victoria. Ito ay sinalihan ng ibat ibang bayan tulad ng Lallo, Enrile, Amulung, Lasam, Pamplona, Alcala, Gonzaga, Allacapan, Solana, Piat at ng PCDC ng Capitol. Ipinakilala ni Mila Catral, ang Children’s Welfare Program Coordinator ng PSWDO ang mga participants ng nasabing contests. Samantala, ibinahagi naman ni Jake Bunagan ang mechanics at criteria for judging.

Ang naging hurado ng mga patimpalak ay sina Mia Baquiran ng PIO at sina Angelito Durwin at Kristel Joy Tabao ng Cagayan State University, Tuguegarao City.

Bilang pagtatapos, pinasalamatan naman ni Mila Catral ang lahat ng dumalo sa selebrasyon ng National Children’s Month, pagkatapos ng pagbibigay ng mga premyo at certificates sa mga nanalo.

 
Leave a comment

Posted by on November 15, 2013 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: