RSS

Sports activity para sa CPJ inmates, isinasagawa

15 Nov

Sports activities at the CPJ in celebration of the National Correctional Consciousness Week

Sports activities at the CPJ in celebration of the National Correctional Consciousness Week

By Jesusa S. Avena

Kasalukuyang isinasagawa ang championship games ng iba’t-ibang sports games sa loob ng Cagayan Provincial Jail (CPJ) sa Lungsod ng Tuguegarao. Ito ay sa pangunguna ng Provincial Warden’s Office ng Cagayan.

May apat na teams ng mga inmates na nagmula sa selda ng Detention, Insular, Provincial at Trustee na lumahok sa  palaro ng basketball, volleyball, table tennis at chess. Makakatanggap ng pera bilang premyo ang mga lumahok sa paligsahan.

Ayon kay Provincial Warden Perfecto Santos, nagsimula ang paligsahan noong nakaraang lingo. Sinabi pa ni Santos na ang aktibidad ay naglalayong mapa-igting self-esteem at pagkabuklod-buklod ng mga inmates ng CPJ.

Alinsunod din ang aktibidad sa Presidential Proclamation bilang 551 o ang  pagdaraos ng selebrasyon hinggil sa  National Correctional Consciousness Week  na isinasagawa  tuwing huling lingo ng buwan ng  Oktubre taun-taon.  Idinaraos din ang Prison Awareness Sunday tuwing huling lingo ng buwan Oktubre.

Naglalayon ang proklamasyon na maipabatid at mabigyang kaalaman ang mga tao hinggil sa kalagayan  ng mga inmates, detainees, prisoners, probationers at parolees  habang sila ay nasa loob ng mga kulungan.

Magsasagawa ng awarding cerempny sa October 30, 2013 sa loob ng CPJ kung saan bibigyang parangal ang mga nagwagi sa paligsahan ng sports games. Magkakaroon din ng paligsahan sa pagsasayaw at mga parlor games upang maging masaya at makulay ang  nasabing selebrasyon.

 
Leave a comment

Posted by on November 15, 2013 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: