RSS

People’s Action Editoryal (01/20/2014)

30 Jan

PAC Enero 20

EDITORYAL

Ano ang pagiging patas ng isang lider? Ito ang pakikinig sa lahat ng boses at pirming pagdedesisyon sa panig ng mga mamamayan. Ito ang pagpili sa tama at nararapat, labas sa sariling pakinabang. Ito ang  pagsaalang-alang sa kapakanan ng lahat at hindi pakikipagsabwatan sa iilang tao.

Nakakalungkot na tila walang patas na pagtrato ang ilang nahalal na lider sa nakalipas na Special Session ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao sa isang sektor ng ating lipunan: ang sektor ng transportasyon. Sa halip na pakinggan at kapulutan ng aral para sa tamang pagsipat sa mga terminal, binahiran ng duda at pulitika ang resource speaker ng mga VODA na si Sany Grace Bayangan sa kanyang pagbabahagi.

Ang tanging mithiin ng resource speaker ay ang magkaroon ng boses upang matugunan ng patas at may malasakit. Sa pagpunta sa konseho umasa ang mga VODA na makamtan ang karapatan bilang may ambag at kabahagi ng pag-unlad ng siyudad ng Tuguegarao.

Sa kabilang dako, ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang naliwanagan tungkol sa kalagayan ng transport sektor at mga mananakay. Ito ay bunsad na rin ng mahusay na pagtangan at paggabay ni Bise-Mayor Caronan ng talakayan bilang presiding officer.

Kung kaya’t panawagan sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao na maging patas sa kanilang deliberasyon at desisyon. Sana ay maliwanagan ang mga miyembro at piliiin ang panig ng transport sektor at tugunan ang pangangailangan ng lahat. Pagpili ng tama at nararapat, iyan ang sukatan ng isang patas na lider.

 
Leave a comment

Posted by on January 30, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: