RSS

MGA BENEPISYO NG PAGPAPASUSO

04 Feb

peoples action masthead finalBreastfeeding

Ang gatas ng ina ay mahalaga kung kaya’t nararapat lamang na ito ay ibigay sa sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan na walang halong pagkain, tubig o maging bitamina man. Dapat ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang (2) taon o higit pa, kasabay ng pagbibigay ng mga pagkaing may sangkap na mga sustansya at bitamina.

Narito ang ilang dagdag kaalaman kung bakit ang gatas ng ina at ang pagpapasuso ay higit na nakakalamang kaysa sa pagbibigay ng artipisyal na gatas.

GATAS NG INA
. Matipid at kaagad na maibibigay.
. May taglay na sustansya na nagbibigay ng proteksyon laban sa impeksyon at pagkakasakit.
. Madaling matunaw sa tiyan ng sanggol.
. Nagtataglay ng kaukulang sustansya na tumutulong sa pagkahubog ng utak at iba’t ibang sistema ng katawan ng sanggol.
. Maiiwasan ang pagtatae at pagkasakit ng tiyan ng sanggol.

PAGPAPASUSO
. Nakakatulong sa pagkakaroon ng matibay at mapagmahal na relasyon ng ina at sanggol.
. Matagal na agwat ng pagbubuntis.
. Madaling pagbabalik ng matris sa dating laki.
. Protektado ang ina laban sa impeksyon.
. Nababawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng kanser sa obaryo at sa suso.

Kaugnay nito, ang Provincial Nutrition Committee (PNC) ng Pamahalaang Panlalawigan ay ipinagpapatuloy ang naumpisahang pagsasanay hinggil sa Infant Young Child Feeding Counselling (IYCFC) sa iba’t ibang bayan at barangay ng prubinsya.

Ayon kay Magdalena J. Lara, Nutritionist Dietitian III ng PNC, ang programang ito ay tinutulungan ng National Nutrition Council (NNC) sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo upang makamit ang mga sumusunod na layunin: ang itaas ng isang daang porsiyento (100%) ang bilang ng inang nagpapasuso at itaas ang antas ng karunungan sa pagbibigay ng mga pagkaing masusustansya (Complementary Feeding) sa mga sanggol, bata at ina upang maiwasan kundi man mabawasan ang malnutrisyon sa hanay ng grupong ito.

Sa kasalukuyan, sila ay nagsasagawa ng IYCFC sa mga bayan ng Alcala, Iguig at Solana. Nais ng PNC na sa pagtatapos ng taong ito ay matapos na nila ang sisenta’y singko porsiyento (65%) ng mga iba’t ibang barangay.

 
Leave a comment

Posted by on February 4, 2014 in Health Corner

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: