RSS

People’s Action Editoryal (01/27/2014)

06 Feb

peoples action masthead final

EDITORYAL

Pagpupuri at pagpupugay ngayon ang natatanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga taong kanyang nasasakupan. Nariyan ang nabuhay na presensiya ng pamahalaan sa mga Cagayano sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng mga tulong imprastraktura sa mga barangay at munisipyo. Nariyan din ang pagpapatupad ng mga programa at proyektong pang-agrikultura, pangkalikasan, pang-edukasyon, pangkalusugan at pangkabuhayan. Sino ang mag-aakala na aabot sa ganitong antas ang prubinsya Cagayan.

Hindi biro ang mga problemang dinatnan ng kasalukuyang administrasyon. Kabilang sa mga problemang ito ang pagkabaon sa utang na higit 300 milyong piso para sa pagpapatayo ng Paseo Reale, mga di angkop na programa at proyekto, hindi maayos na koordinasyon at pakikitungo sa munisipyo at barangay. Ngunit ang higit na problemang hinarap ay ang pagiging hiwalay ng pamahalaang panlalawigan sa mga Cagayano.

Ngunit sa halos pitong taong panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon, nasagot ang mga problemang minana ng prubinsya. Nabayaran ang utang ng dating administrasyon, nakapagpatupad ng mga imprastraktura tulad ng multi-purpose drying pavement, pag-aayos ng mga daanan, pagpapatayo at pagsasaayos ng mga tulay at iba pa. Gumanda rin ang kalagayan at benepisyo ng mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan.

Sa sektor ng agrikultura, nariyan ang 25 Small Water Impounding Projects (SWIPs) na siyang nagbibigay patubig sa 2,377.30 ektaryang palayan. Sa edukasyon, ang layuning itaas ang kalidad ng kaalamang natutuhan ng mga kabataang Cagayano upang maging epektibong mamamayan kakulangan sa libro at iba pang serbisyong pang-edukasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang malawak na Provincial Library na siyang tutugon sa pangangailan ng mag-aaral.

Sa usaping pangkalusugan naman, nariyan ang rehabilitasyon at pagpapaunlad sa mga district hospitals ng prubinsya. Pagpapahusay sa mga kagamitan at teknolohiyang pangkalusugan ay prayoridad din ng prubinsya. Nariyan din ang pagsasaayos, pagpapaganda sa Cagayan Sports Complex para sa mga pampalakasang aktibidad at iba pang aktibidades na  pangkalusugan. Sa usaping kalamidad, napaunlad na rin ang mga kagamitan upang makapagbigay ng babala at masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

Totoong lumalago ang prubinsya ng Cagayan. Sa paglipas ng panahon, natugunan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga Cagayano. Ngunit hindi sapat ang mga tulay, daan  at  iba pang imprastraktura at mga materyal na bagay bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan at bilang pamana sa kanila. Ang tunay na paglago at makabuluhang pagbabago ay nangyayari sa salubungan sa pagitan ng gobyerno at mamamayang Cagayano tungo sa mahigpit na pagkakatuwang at buhay na pagbibigkis.  Maging mulat na ang pagiging mamamayan ay hindi simpleng pagtanggap ng mga benepisyong naibibigay ng gobyerno kundi ang pakikibahagi, pakikiisa at buhay na pagbibigkis sa paggogobyerno. Na sa bahagi ng gobyerno, ang paglilingkod ay ang pakikinig sa mamamayan, pakikibahagi sa kanilang tunay na nararamdaman at nararanasan at pagtugon sa kanilang mga hinaing at pangangailangan.

 
Leave a comment

Posted by on February 6, 2014 in Health Corner

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: