RSS

People’s Action Editoryal (02/03/2014)

11 Feb

peoples action masthead final jpeg

 

EDITORYAL

Napakahalagang tungkulin ang magbigay ng kabatiran o balita sa mga mamamayan. Layunin nito ang magpaunawa at maging gabay sa mga kaganapan hindi lamang sa komunidad kundi sa malawak na larangan ng prubinsya. Kabilang dito ang pamamahagi ng impormasyon na makakalinang sa angking galing at talino ng taumbayan, halimbawa sa pamamagitan ng pagsasalaysay, na maaaring haluan ng katatawanan, drama, o musika.

Ito ang hangarin sa pagtatalaga ng mga Community Information Officers (CIO) sa mga barangay sa buong prubinsya. Mahalagang papel ang kanilang gagampanan bilang mga responsableng tagapagpalaganap ng impormasyon at tagapagsubaybay sa mga isyung kinakaharap ng kanilang kabarangay.
Magiging bahagi sila sa pagpapausbong ng malayang diskusyon, pag-alam at pagsusuri para sa responsableng pagdedesisyon tungkol sa pamayanan. Makapagbibigay ang mga CIO ng mahahalagang impormasyon na tunay na makaka-implumensya sa pagbabago ng patakaran, proseso at programa tungo sa tunay na pangangailangan ng mas nakararami.

Bahagi rin ang mga CIO sa pagbibigay ng mga detalye tungkol sa mga programa, proyekto, at patakaran ng gobyerno. Maaari nang malaman ng mamamayan kung ano ang mga ginagawang programa, plano at proyekto ng gobyerno para mabilis ang pagbibigay ng serbisyo. Hindi na magkakaroon ng agam-agam at maibabalik na ang tiwala ng mga tao sa gobyerno. Maaring makiisa sila sa pagbubuo, pagsasakatuparan at pagsubaybay sa mga plano at proyekto. Bawat pagkilos ay may kaakibat na responsibilidad na dapat gampanan at dapat gabayan.

Makapangyarihan ang mga salita at impormasyon. Dahil dito, nararapat lamang na gamitin ang mga ito nang may lubos na pag-iingat at responsibilidad. Magagamit ang pamamahayag sa makatwirang pagtalakay ng mahahalagang isyu at karanasan na nakakaapeko sa sambayanan. Ang patas, makatwiran at hindi nagkukubli ng katotohanan na pagsisiwalat at pagbibigay ng impormasyon ay lubos na nakakatulong sa kabuhayan at pag-unlad ng bayan at ng mismong mga mamamayan.

 
Leave a comment

Posted by on February 11, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: