RSS

Editorial (03/03/2014)

11 Mar

peoples action masthead final jpeg

EDITORIAL

Ang pagkamit ng pang-apat na pagkapanalo ng mga Cagayano sa nakaraang Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet (CAVRAA) ay tanda ng pagpapamalas ng  kanilang angking galing, talino at kakayahan.  Dahil sa pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa  importansya ng sports sa pagpapaunlad sa sarili, ibinigay nito ng buo at walang pagmamaliw na suporta at ayuda. Dagdag pa rito ang pagbibigay ng oportunidad sa tagumpay na makakadulot ng tiwala sa sarili.

Napakasarap isiping espesyal ang bawat Cagayano dahil sa pagkilala sa angking kakayahan at galing nito sa buong nasyon. Na sa paglipas ng panahon ay mas lalong nahuhubog at nasasanay upang maging isang matagumpay na atleta. Dahil sa pagsali ng mga Cagayano sa mga iba’t ibang larangan lalo na sa sports, natututunan nito ang pagkakaroon ng tiyaga, disiplina sa sarili at determinasyon upang matuto at umunlad. Naidudulot din nito ang pagkakaroon ng lakas ng loob, pagiging mapagkumbaba at pang-unawa sa mga bagay.
Ang sports din ay isang kaparaanan upang maituwid ang landas ng mga kabataang Cagayano at mailayo sila sa tukso na maaaring sumira sa kanilang buhay dahil sa ito ay nangangailangan ng lakas ng katawan, disiplina sa oras at dedikasyon. Ito rin ay isang paraan upang mapalalim natin ang pagkatao ng ating mga kabataan sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan, hindi lamang sa mga kapitbahay kundi sa pangkalahatan.

Kaugnay din nito ang pagpapaunlad ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga empleyado hindi lamang sa usapin ng serbisyo publiko kundi sa larangan din ng pagpapaunlad sa pisikal, mental at emosyonal na aspeto ng mga empleyado. Sa pamamagitan ng gaganaping 5th Gov. Alvaro T. Antonio Inter-office Sportsfest 2014, mapapagtibay ang relasyon ng bawat empleyado, natututo kung paano makisama sa kapwa-tao  at kung ano ang tinatawag na sportsmanship. Natututunan din dito ang sipag, tiyaga at disiplina sa sarili upang matuto at umusad sa career.

Ang paligsahan din ay paghahanda sa mga indibidwal na harapin ang mga pagsubok sa buhay at upang matutong tumugon ng positibo. Kabilang na rin ang pagharap sa hamong matuto at magsikap gamit ang lakas ng loob at praktikal na pang-unawa sa buhay na hindi hadlang ang kahirapan o kapansanan. Ating tandaan na hindi kinakailangang maging pinakamahusay sa anumang larangan, ang mahalaga ay ang lumahok. At sa kabila ng tagumpay at parangal, hindi pa rin magbabago ang pagkakaroon ng tamang prinsipyo, pagkamakumbaba at hindi pasisilaw sa dulot nitong tukso gaya ng pag-abuso sa kapangyarihan, pera at sa pag-iisip.

 
Leave a comment

Posted by on March 11, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: