RSS

EDITORYAL (03/14/2014)

26 Mar

peoples action masthead final jpeg

 

EDITORYAL

Isa sa mga 10K agenda ni Gobernador Alvaro T. Antonio ay ang Kapayapaan. Sa nakalipas na taon, masasabi nating payapa at maayos ang prubinsya ng Cagayan. Patuloy na sinisikap ng kasalukuyang administrasyon ang pagpapaigting ng kaayusan sa buong prubinsya.

Sa pamamagitan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at mga kaakibat na ahensya, puspos ang pagsisiguro ng Pamahalaang Panlalawigan na patuloy na maging mapayapa ang Cagayan. Layunin ni Gobernador Antonio na patuloy na mamuhay ang mga Cagayano ng walang takot at walang pag-aalinlangan sa kanilang paligid.

Sa unang pagpupulong ng PPOC ngayong taon, muling nakita ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na mapanatiling payapa ang lahat ng bayan ng Cagayan. Ngunit, ang usaping kapayapaan ay hindi lamang nagmumula sa sikap ng lokal na pamahalaan. Kaakibat ng pamahalaan ang taumbayan sa pagpapatuloy ng kaayusan sa prubinsya. Kung kaya’t muling idiniin ng Pamahalaang Panlalawigan ang kahalagahan ng partisipasyon ng bawat Cagayano sa lahat ng adhikain nito.

Sa ulat ng Cagayan Provincial Police Office, tumaas ang bilang ng krimen sa prubinsya sa unang dalawang buwan ng taong kasalukuyan. Sa paliwanag ng Cagayan PNP, tumaas ang index at non-index crimes sa buong lalawigan. Ito ay dahil sa pagtatalaga ng mga Barangay Lupong Tagapamayapa sa mga barangay. Napakalaking tulong ng Lupong Tagapamayapa sa pagkakalap ng mga ulat sa mga pangyayari sa barangay.

Ang ulat ng mga krimen ay hindi na lamang galing sa datos ng kapulisan, kasama na din dito ang ulat mula sa barangay at ilang ahensiya tulad ng PDEA, NBI at CIDG.

Ang pagtaas sa talaan ng PNP sa dami ng krimen ay hindi dapat ikabahala. Ito lamang ay nagpapahiwatig ng pagiging “pro-active” ng mga Cagayano sa pag-uulat ng mga pangyayari sa kani-kanilang barangay. Sa suporta ng barangay, lalong nagiging mulat ang tao sa pagkakaroon ng mas mapayapang lipunan.

Patunay din ito na naging matagumpay ang Pamahalaang Panlalawigan at ng mga ahensiyang kasapi sa pangangalaga sa kapayapaan sa Cagayan. At higit sa lahat, naging bahagi ng laban ang taumbayan. Ito ang pinakamahalaga sa usapin ng paggogobyerno; ang maging kasapi ang mga tao sa lahat ng programa ng lokal na pamahalaan.

Ang partisipasyon ng bawat Cagayano ay mahalaga. Hindi lamang sa usapin ng kapayapaan at kaayusan, kundi sa lahat ng aspeto ng paggogobyerno. Upang maabot ang patuloy na pag-unlad at ang tunay na kapayapaan, mahalaga ang pakikilahok at pakikibahagi ng bawat Cagayano sa gobyerno. Ang taumbayan ang tunay na boses ng gobyerno. Ang taumbayan ang gobyerno.

 
Leave a comment

Posted by on March 26, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: