RSS

People’s Action News (03/24/2014)

01 Apr

PAC Pebrero 3 2014Noong Marso 22, 2014, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ng People’s Action Center (PAC) ay nagsagawa at ginabayan ang pagtitipon ng mga traysikel draybers at opereytors sa buong prubinsya ng Cagayan na may pinamagatang Cagayan Alliance of Motorella and Tricycle Drivers Association sa Pavilion, Capitol Hills, Tuguegarao City. Layunin ng nasabing programa ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga drayber at opereytor tungo sa isang matatag at maunlad na alyansa at upang malaman ang kasalukuyang kalagayan at mga hinaing ng nasabing grupo na kanilang haharapin sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan.

Dinaluhan ang programa ng mga iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na galing sa mga bayan ng Iguig, Amulung, Solana, Peñablanca, Enrile,  Alcala, Lallo, Camalaniugan, Sta. Teresita, Baggao, Gonzaga, Buguey, Sta. Ana, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Sanchez Mira, Pamplona, Sto. Niño, Sta. Praxedes, Claveria, Lasam at syudad ng Tuguegarao.

Bilang pag-uumpisa ng programa, nagbigay ang PAC ng oryentasyon patungkol sa Gobyerno ti Umili bilang gabay sa kanila patungkol sa tungkulin ng gobyerno at ng mismong mamamayan sa paggobyerno at pag-asenso ng ating prubinsya.

Nagkaroon din ng pagbabahagi ng kasalukuyang kalagayan at sitwasyon ng TODA sa buong prubinsya na pinangunahan ni Noben Concepcion, Sectoral Unit Head ng PAC. Kanyang nabanggit ang pang-ekonomiyang kinakaharap ng mga drayber tulad ng P200.00 hanggang P400.00 na kinikita ng isang drayber mula madaling araw hanggang gabi na hindi nakakasapat para tustusan ang pangangailangan ng isang pamilyang may limang miyembro. Kabilang din dito ang mga kuliglig na hindi otorisadong pumasada ngunit pumapasada na siyang mahigpit na kakompitensya ng mga traysikel drayber. Dagdag pa niya ang pagtaas ng presyo ng piyesa at gasolina.

Nagbahagi rin ang mga presidente ng TODA. Pinangunahan ito ng presidente ng TODA-Tuguegarao City. Ayon sa kanya, ang problemang hinaharap ng kanilang asosasyon ay ang problema sa kolorum o mga hindi rehistradong pampublikong traysikel sa tamang ruta. Kanya ring nabanggit ang problema sa mga drayber sa Tuguegarao patungkol sa sobrang pagpatong ng singil sa pamasahe na siyang nakakasira sa kanilang asosasyon.

Ayon naman sa presidente ng TODA-Solana, kanyang hiniling ang pagpasok ng kanilang mga traysikel sa siyudad ng Tuguegarao na hindi lamang sila magbaba ng mga pasahero sa kanilang nakatakdang terminal upang makatulong sa mga pasahero lalo na sa mga estudyanteng galing sa bayan ng Solana. Dagdag pa niya ang pagbigay tulong pinansyal ng Pamahalaang Panlalawigan upang maipatayo ang pangkabuhayang spare parts ng kanilang TODA na tunay na nakakatulong sa kanilang asosasyon.

Nagbahagi rin ang presidente ng TODA-Sanchez Mira, Sto. Niño, Allacapan, Iguig, Gonzaga at Ballesteros. Kanilang binanggit ang problema sa paghuli sa mga kolorum na traysikel at ang pagmamanipula ng ilang opisyal ng kanilang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas patungkol sa paghuli sa mga pasaway na drayber. Kabilang ang presensya ng mga single motor at kuliglig na siyang mahigpit na kalaban ng mga traysikel drayber, walang kasiguruhan sa kanilang hanapbuhay, pagkakaroon ng kakompitensya sa pamamasada, kulang na legal na proteksyon, patakaran at ordinansa para sa mga TODA tulad ng singil sa pamasahe at iba pa. Kanilang hiniling ang pagbibigay sa kanilang asosasyon ng isang abogado upang protektahan silang nasa transport sektor.

Nagpahayag naman ng magagandang karanasan ang sekretarya ng TODA-Claveria at presidente ng TODA-Buguey. Ayon sa kanila, walang lumulusot na kolorum sa kanilang lugar dahil sa magandang pagpapatupad ng proseso patungkol sa pagkuha ng franchise at permit na siyang istriktong dumadaan sa kanilang asosasyon. Kabilang dito ang presidente ng TODA-Baggao na nagbahagi ng suporta ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng magagandang terminals para sa kanila. Ayon naman sa  presidente ng TODA-Alcala, istriktong pinapatupad niya ang mga ordinansa at batas ng transport group tulad ng hindi pag-inom ng alak kapag namamasada, pagsuot ng unipormeng pampasada at iba pa.

Pagbibigay naman ng tamang proseso sa hinihiling na pagtaas o pagbaba ng pamasahe ang ibinahagi ng presidente ng TODA-Peñablanca.

Pinaunlakan ni Cristina I. Antonio, empleyado ng PAC, ang okasyon. Sa kanyang mensahe, nagpapasalamat siya sa pagdalo ng mga TODA at ang kanilang pakikiisa sa Pamahalaang Panlalawigan. Kanya ring nabanggit na ang kasalukuyang oryentasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ay hindi na lamang sa mga barangay na siyang napagsilbihan nang higit anim na taon ang pokus kundi sa mismong komunidad kabilang na ang mga iba’t ibang sektor sa lipunan na may malaking bahagi at tungkulin sa pag-unlad at pag-asenso.

Kanya ring nabanggit na ang pakikiisa at presensya ng TODA ay isang kilos ng pagsasalubong at pagpapaunlad ng kanilang sektor. Ito rin ay simbulo ng adbokasiyang Gobyerno ti Umili (GTU). Kung kaya’t nabanggit ni Antonio ang tatlong tungkuling gagagampanan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng PAC upang magkaroon ng matatag at maunlad na alyansa ng nasabing grupo. Una rito ay ang pagiging tulay ng PAC sa mga iba’t ibang ahensya at personalidad upang matugunan at masolusyonan ang mga problema at hinaing ng TODA. Pangalawa, ang paggigiya sa TODA sa kanilang papel at tungkulin sa komunidad na hindi lamang negosyo ang kanilang iisipin kundi ang kanilang responsibilidad pagdating sa pagseserbisyo sa mga pasahero. Pangatlo, ang pagbibigay ng suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang grupo sa mga labang kanilang  hinaharap at haharapin.

Nagkaroon din ng eleksyon ng mga opisyales o kinatawan sa bagong tatag na pederasyon ng TODA-Cagayan Chapter. Ang mga sumusunod ay ang mga nanalong opisyales:

Cagayan Alliance of Motorella and Tricycle Operators and Drivers Association

President:  Elvis L. Sibbaluca (Peñablanca)
Vice-President (Admin Affairs): Eddie Apostol (Tuguegarao)
Vice-President (Operations): Rosalindo Baculi (Alcala)
Secretary    :  Bettylou Domingo (Abulug)
Asst. Secretary District 1: Honorio Evangelista (Gonzaga)
Asst. Secretary District 2: Adriano Paulo Quebral (Claveria)
Asst. Secretary District 3: Rowen Romero (Solana)
Treasurer: Allan Gonzales (Iguig)
Asst. Treasurer District 1: Johnny Misador (Sta. Ana)
Asst. Treasurer District 2: Emerson Dumlao (Sanchez Mira)
Asst. Treasurer District 3: Bernard Nolasco (Tuguegarao)
Bookkeeper: Adelio Callueng (Tuguegarao)
Auditor: Apolinario Ligutan (Tuguegarao)
Board Of Directors:
Fernando Venus (Baggao)    Arnel Oliveros (Sanchez Mira)
Rolando Guiang (Enrile)    Pablito Apongol (Lasam)
Jaime Buenaflor (Buguey)

CAGAYAN POLICE INVESTIGATORS COURSE III, ISINAGAWA

Isinagawa kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines (Cagayan Chapter) ang Police Investigators Training sa Casa Angela Convention Hall, Tuguegarao City.

Dumalo ang isang daan at dalawampu (120) na piling police officers mula sa iba’t ibang bayan ng Cagayan. Layon ng akitibidad na ito na mapaigting ang kaalaman ng kapulisan sa buong lalawigan, lalo na sa paghahanda ng police blotter or police report na importante sa paghahain ng mga kaso sa korte.

Ayon kay Board Member Mila Catabay-Lauigan, Board Member ng ikatlong distrito ng Cagayan at miyembro ng IBP Cagayan, nararapat lang na bigyan ng nararapat na kaalaman ang ating mga police officers sa lalawigan.

“Napakalaking responsibilidad ng mga police officers natin. Sila ang nauutusan na mag-imbestiga sa mga crime scenes. Sa kanila din naghahain ng mga reklamo ang taumbayan. Kaya kailangan lamang ng tamang proseso sa paghahain ng kaso. Ito ang dapat na maituro sa ating mga police officers. Madaming kaso ang napapawalang-bisa dahil sa maling proseso,” dagdag ni BM Lauigan.

Itinulak ng IBP ang pagsasagawa ng aktibidad upang  mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga pulis lalo na sa pangangalap at paghawak ng ebidensiya. Ang technical expertise ay mula sa IBP. Iba’t ibang miyembro at mga abogado mula sa IBP ang nagsilbing tagagabay ng nasabing training. Isinagawa ang training sa pamamagitang ng lectures, reporting, workshop at moot court.
Ang aktibidad ay pangatlong seryeng training para sa mga pulis. Ang unang seryeng training ay ginanap noong Pebrero 2011. Ang pangalawang serye naman ay ginanap noong Disyembre 2012.

SUMMER NA NAMAN

Ang Marso hanggang Mayo ay panahon ng bakasyon at panahon ng mga fiesta, hindi lang dito sa ating bayan kundi sa buong bansa. Kung kaya, hindi maiiwasan ang pagkain ng kung ano-ano at ang pagpunta sa mga bakasyunang lugar. Dahilan ito upang makaranas ng pagtatae, mga karamdamang sanhi ng sobrang init at ang di maiiwasang “recreation-associated injury.”
Narito ang ilang tip upang maiwasan ang mga nabangit:
Pagkain at inumin:
•  Kumain ng mga pagkain na tama ang
pagkaluto
•  Mas mainam kung kainin agad ang mga
nalutong pagkain
•  Dapat na ilagay sa pridyider ang tirang ulam at
initin ito bago kainin
•  Hugasan ang kamay bago at pagkatapos
magluto
•  Kung inaakalang maysakit,huwag maghanda
ng mga pagkain
•  Iwasang uminom ng mga malalamig na tubig
at juice kung hindi alam ang pinanggalingan
•  Pakuluan ng dalawang minuto ang inuming
tubig kung ito ay galing sa poso
Pag nasa tabing dagat o ilog:
•  Huwag hayaang mag-isa ang mga bata sa
paliligo, pasamahan sa isang marunong
lumangoy at hindi nakainom ng may alkohol
•  Iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw ng
mahigit tatlong oras upang di masunog ang
balat
•  Uminom ng sapat na tubig upang maiwasan
ang pagkatuyo ng balat o ang dehydration
Habang nasa daan o nagmamaneho:
•  Ipatingin sa mekaniko ang sasakyan bago
gamitin sa mahabang paglalakbay
•  Huwag kalimutang dalhin ang mga gamit
pangkumpuni at first aid kit
•  Huwag magmaneho kung nasa impluwensya ng
alkohol
Tandaan, gawing masaya at iwas sakuna ang pagbabakasyon.

 
Leave a comment

Posted by on April 1, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: