RSS

Timek ti Barangay 3rd District (03/24/2014)

01 Apr

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

SUMMER JOB SA BAYAN NG PEÑABLANCA

Nagkaroon ng meeting ang mga iba’t ibang barangay captain ng Peñablanca Cagayan. Ang nagpatawag ng naturang meeting ay ang Mayor ng Peñablanca na si Mayor Marilyn J. Taguinod, kasama ang iba pang empleyado ng Munisipyo. Sa meeting, napag-usapan ang tungkol sa pagkuha ng Special Program for Employment of Students (SPES) o mas kilala sa tawag na SUMMER JOB. Napag-usapan dito kung papaano sila kukuha ng mga estudyante sa iba’t ibang barangay ng Peñablanca.

Napag-usapan na ang kukunin sa bawat barangay ay dalawampu (20) na nag-aaral sa kolehiyo at dapat sila ay indigent. Dito sa bayan ng Peñablanca ay mayroong dalawampu’t apat (24) na barangay. Lumalabas na sa 24 barangay ay mayroong 480 na kabataan ang natutulungan ng Munisipyo sa kanilang pag-aaral taon-taon. Dito sa 20 na kabataan sa iba’t ibang barangay ay mahahati, mayroon silang tinatawag na SAMPUNG REGULAR. Itong sampung regular na ito ay nagtatrabaho o tutulong sa anumang aktibidad sa kanilang barangay sa araw ng sabado at linggo sa loob ng 20 na araw at itong sampung regular na ito ay manggagaling sa 20% nilang bayad sa DOLE. Mayroon pang natitirang sampu, ito yung kabataan na magtatrabaho o tutulong sa kanilang mga barangay sa loob ng sampung araw lamang at manggagaling ang kanilang bayad sa LGU ng Peñablanca.

Marami nang kabataan ang natulungan dito sa munisipalidad ng Peñablanca. Nabanggit din na tutulungan nila ang mga bata hanggang sa makatapos sila sa kanilang pag-aaral. Ayon kay Mayor Marilyn, pag-uusapan kung puwede pa nilang itaas o dagdagan ang per day ng mga bata. Taon-taon nagkakaroon ng mga ganitong Programa ang Munisipalidad ng Peñablanca, at dahil din po ito sa pamumuno ni Mayor Marilyn J. Taguinod.

 
Leave a comment

Posted by on April 1, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: