RSS

People’s Action News (03/31/2014)

11 Apr

jpegqwertyNagsagawa ng mangrove planting activity noong ika – 19 at 20 ng Marso, 2014 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ng Provincial Tourism Office (PTO) katuwang ang anim-napung (60) katao upang isulong ang pagpapa-unlad ng turismo sa prubinsya ng Cagayan. Kaagapay din sa aktibidad ang Provincial Tourism Council, tourism officers mula sa iba’t ibang bayan ng prubinsya at ilang kawani ng Provincial Tourism Office.

Layunin ng aktibidad ang mapalitan ang mga nawala at nasirang  mga bakawan sa isla ng Palaui,  Sta. Ana, Cagayan. Ito rin ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan hindi lamang sa isla ng Palaui kundi maging sa buong prubinsya.

Ang prubinsya ng Cagayan ay sadyang masagana sa mga likas yaman, kung kaya’t kailangang panatilihin at  ipreserba ang ganda at orihinal na anyo ng mga ito. Kabilang dito ang mga bakawan o mangrove  na nakikita natin sa iba’t  ibang isla na siyang nagsisilbing pananggalang at tirahan ng mga iba’t ibang uri ng lamang dagat.  Subalit, dahil na rin sa pagputol at pagsira ng ilang tao sa mga bakawan, dagdag pa ang mga bagyo at iba pang kalamidad, unti-unting nasisira at nauubos ang mga ito.

Sa hangaring mapreserba ang mga likas yaman ng prubinsya, pinangunahan ng PTO ang  pagtatanim ng mahigit kumulang sa sandaang (100) punla ng bakawan (mangrove cuttings) sa isla ng Palaui. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na nagbigay ng mga bakawan. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mapapaganda ang isla ng Palaui na siyang  magpapalawig at magpapalakas ng turismo sa prubinsya ng Cagayan. Isang paraan din ito upang makaakit ng mga turistang may malaking kontribusyon sa pag-angat ng ekonomiya ng prubinsya.

Ang dalawang araw na aktibidad ay pagkilala at pagtuklas sa angking ganda ng Palaui na ginawaran ng Cable News Network (CNN) bilang 10th Best Beach in the World.

Kung kaya’t inaanyayahan ang lahat na puntahan at bisitahin ngayong bakasyon ang isla ng Palaui at makita ang angking kagandahan nito.

 

ATLETANG CAGAYANO, SASABAK SA PHILIPPINE NATIONAL GAMES

Bilang pagkilala sa kakayanan ng mga Cagayano na napatunayan sa pagiging kampeonato nito sa nakaraang Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet  (CAVRAA) 2014, isang imbitasyon galing sa Philippine Sports Commission (PSC) ang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan upang makasali ang mga atletang Cagayano sa Philippine National Games. Ito ay magaganap sa darating na Mayo 16-25, 2014 sa Metro Manila.

Sa nasabing National Games, siyam na sports events ang sasalihan ng mga atletang Cagayano. Ito ay ang athletics, swimming, taekwondo, sepak takraw, baseball, volleyball, basketball, badminton at archery.

Bilang paghahanda, inatasan ni Gobernador Alvaro T. Antonio ang Provincial Sports Committee upang magsagawa ng try-out sa volleyball noong Marso 29-30, 2014 upang makapagsala at makapili ng mga atletang Cagayano na sasali sa volleyball team sa national games.

Ayon kay Nestor Pamilar, Head Coach ng Cagayan Lady Rising Sun, “Ang layunin ng try-out ay magkaroon ng lehitimong miyembro ang Cagayan Lady Rising Suns volleyball team na mula sa Cagayan at upang mapaunlad ang volleyball program sa prubinsya. Sa mga Bilang pagkilala sa kakayanan ng mga Cagayano na napatunayan sa pagiging kampeonato nito sa nakaraang Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet  (CAVRAA) 2014, isang imbitasyon galing sa Philippine Sports Commission (PSC) ang natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan upang makasali ang mga atletang Cagayano sa Philippine National Games. Ito ay magaganap sa darating na Mayo 16-25, 2014 sa Metro Manila.

Sa nasabing National Games, siyam na sports events ang sasalihan ng mga atletang Cagayano. Ito ay ang athletics, swimming, taekwondo, sepak takraw, baseball, volleyball, basketball, badminton at archery.

Bilang paghahanda, inatasan ni Gobernador Alvaro T. Antonio ang Provincial Sports Committee upang magsagawa ng try-out sa volleyball noong Marso 29-30, 2014 upang makapagsala at makapili ng mga atletang Cagayano na sasali sa volleyball team sa national games.

Ayon kay Nestor Pamilar, Head Coach ng Cagayan Lady Rising Sun, “Ang layunin ng try-out ay magkaroon ng lehitimong miyembro ang Cagayan Lady Rising Suns volleyball team na mula sa Cagayan at upang mapaunlad ang volleyball program sa prubinsya. Sa mga kabataan natin at sa lahat ng nag try-out dapat ibahagi ang talento nila para mapaunlad pa ang sports sa larangan ng volleyball.”

Sa darating na Abril 3, 4, 5, 2014, magkakaroon naman ng try-out sa basketball. Ito ay gaganapin sa Capitol gymnasium, Capitol Hills, Tuguegarao City. Bukas ito sa lahat ng mga kabataang Cagayano edad 15 pataas kabilang na ang mga out-of-school-youth na gustong ipamalas ang kanilang kakayanan. Ang mapipili sa nasabing try-out ay magiging miyembro ng Cagayan Junior at Elite basketball team na kakatawan sa Philippine National Games.

Ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang buong suporta nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaukulang gamit, pagsasanay at suportang pinansyal sa mga manlalaro. Nagtalaga rin ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga trainers upang lalong mahasa at mapahusay ang mga atleta.

CERTIFICATES OF COMMENDATION IGINAWAD SA YAWDs

Upang kilalanin sa kanilang hindi matatawarang serbisyo gayon na rin sa pagiging epektibong lider sa kanilang kapwa kabataang may kapansanan, 22 na Young Adults with Disabilities (YAWDs) mula sa Integrated Resource Training Center for Persons With Disabilities (IRTCP) ang nagsipagtapos at ginawaran ng Certificate of Commendation/Recognition ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) noong Marso 11, 2014 sa Villa Victoria Function Hall, Tuguegarao City.

Ang YAWDs na nabigyan ng komendasyon ay nagsanay sa IRTCP ng isa hanggang dalawang taon hinggil sa iba’t ibang livelihood skills tulad ng bags for life, meat processing, candle-making at iba pang pagsasanay.

Ayon kay Helen Donato, Acting PSWD Officer, ang mga kabataang may kapansanan ay masusing sinasanay ng center upang sila ay maging kapaki-pakinabang hindi lamang sa kanilang sarili kundi pati sa kanilang pamilya. “Hindi hadlang ang kapansanan ng isang tao para umunlad. Kailangan lang ng tiyaga upang makamit ang inaasam na layunin. Ang kapansanan ay hindi dapat ikahiya dahil maaari na ring gawin ng isang may kapansanan ang kayang gawin ng isang normal na pamumuhay. Kailangan lamang ng lakas ng loob at pagpupursigi upang maabot ang minimithing pag-angat,” pahayag ni Donato.

Hindi lamang sa pagsasanay ang konsentrasyon ng center para sa YAWDs. Ilang outreach programs din ang kanilang isinasagawa upang turuang makihalubilo ang mga miyembro sa ibang indibiduwal at upang maisalin din sa ibang katulad nila ang natutunan sa center. Ito rin ay upang ihanda sila sa posibleng pagkakaroon ng trabaho sa hinaharap na magiging daan upang sila ay kumita at makatulong sa kani-kanilang mga pamilya.

“Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng center ay mas marami pang may kapansanan ang magiging bihasa, magkakaroon ng sariling pagkakakitaan, at higit sa lahat makatulong sa kanilang pamilya,” dadag ni Donato.

SAAN TAYO KOMA A TAGIBASSITEN TI MARUNGGAY

Idi ubingak pay kanayon a mangngegko daydi apongko a lakay “apo marunggay manen a napaseng ti masida!” sangkadullitna nga ibaga no kasta nga isu ti maipasango a masida. Ket uray siak samsammimitak a ramanan ket ilibasko pay nga imulsit no kasta a pilitendak nga agsida ti inabraw a marunggay. “Kasano ngamin ket simumulagat a marunggay ti lutuenda naangtit pay a bugguong ti pangtemplada.

NASUSTANSYA TI MARUNGGAY

Wen saan nga asi-asi ti imetna a sustansia ti marunggay (moringa oleiferalam ti scientific name na). Segun iti maysa a grupo nga agsuksukisok maipanggep iti maited a sustansia ti marunggay. Iti kada 28 a gramo ti marunggay mamimpito nga ad-adu ti linaonna a bitamina C ngem ti citrus wennu kalamansi, ad-adu pay ti imetna a potassium ngem ti saba, ken adayo nga ad-adu ti linaonna a bitamina A ngem ti carrots, mamindua nga ad-adu a protina ken mamimpat nga ad-adu a calcium ti imetna ngem gatas.

Daytoy ti mas detaliado a ramen ti sangatasa wennu 100 a gramo a naluto a marunggay (segun kadaguiti nutritionist) 31g a protein, 0.6g a fiber, 96mg calcium, 29mg phosphorous, 1.7mg iron, 2,820mg betacarotene, 0.07mg thiamine, 0.14mg riboflavin, 1.1mg niacin ken 53mg ascorbic acid (vit. C). Dakkel ti maited dagitoy nga elemento tapno mataginayon ti salun-at tayo. Saan ngarud a pagsidsiddaawan daguiti nakurapay a mangsida ti marunggay ta nasalun-at da latta.

Ala ngarud rugianantayon ti agitukit wenno mangidarekdek iti kayo ti marunggay. Amangan no isu daytoyen ti mangsolbar ti dumakdakkel a parikut ti malnutrision iti pagilian.

 
Leave a comment

Posted by on April 11, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: