RSS

EDITORYAL (04/07/2014)

21 Apr

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Bagyo, baha, tagtuyot, trahedya, sakuna… ilan lamang sa mga pagsubok na humahamon sa katatagan ng mga Cagayano. Dito namumulat ang tunay na halaga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Cagayano na may mahalagang tungkulin at responsibilidad sa pagharap sa mga hamon. Dito mabibigyan ng kakayahan ang mga Cagayano na makilahok sa pagresolba sa mga problema ng prubinsya.

Ang lahat ng ito ay naging inspirasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang lalong maglunsad ng mga programa at proyektong agad na tutugon at nakaangkla sa tunay na kailangan ng mga mamamayan. Sa pamamagitan din nito, mapapagbuklod-buklod ang mga ahensya at mismong mga Cagayano sa pagtataguyod ng mabuting adhikain para sa prubinsya.

Ang pagbibigay prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga “disaster preparedness” programs nito ay sagisag ng katangi-tanging serbisyo publiko na handang tumulong at sumuporta sa ang paninilbihan nito sa mga Cagayano. Hindi hadlang ang pagkawala ng mga pang-opisinang gamit at materyal sa pagtugon sa mga kailangan ng mamamayan dahil ang tunay na pagtupad sa tungkulin at responsibilidad ay ang pang-unawa na ang gawain ng kawani ng gobyerno ay may mahalagang epekto sa buhay ng mga Cagayano at ang tunay na paglilingkod ay pakikinig sa mamamayan upang umayon at tumumpak ang mga proyekto at serbisyo sa kanilang talagang pangangailangan dahil sila mismo ang higit na nakakaalam ng mga ito.

Kung kaya’t, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan na hindi alintana ang kasalukuyang trahedyang hinaharap.

Muli’t muli, ang pagkakaisa, kooperasyon at pagtutulungan ang tunay na solusyon sa pagharap at pagresolba sa mga hamong haharapin ng prubinsya. Ang bawat Cagayano ay may mahalagang tungkulin at responsibilidad upang makamtam ang matagalang pag-unlad at pag-asenso ng prubinsya. Maging kalahok, makiisa at pirming nakaangkla sa ating komunidad at identidad. Iyan ang tunay na Gobyerno ti Umili.

 
Leave a comment

Posted by on April 21, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: