RSS

Timek ti Barangay 1st District (04/07/2014)

21 Apr

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

PAMAMAHAGI NG FINANCIAL ASSISTANCE SA BAYAN NG BUGUEY

Noong Marso 8, 2014, ginanap ang awarding ng Financial Assistance sa limang barangay ng Buguey, Cagayan. Kabilang sa mga ito ang Bgy. San Lorenzo, Bgy. Villa Cielo, Bgy. Calamegatan, Bgy. Modesto Antiporda at Bgy. Quinawegan. Dumalo sa pagtitipon ang butihing alkalde at bise-alkalde ng bayan.

Ang mga proyektong ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay para sa pagpapaayos ng multi-purpose building, pagpapakongkreto ng kalsada ng barangay at paglalagay ng streetlight.

Nagkaroon ng Gobyerno Ti Umili Orientation sa pangunguna ng mga kawani ng People’s Action Center (PAC) kung saan nagkaroon ng interaksyon ang mga mamamayan kung ano ang pang-unawa nila sa Gobyerno Ti Umili.  Ang mga mamamayan ay aktibo sa pakikinig at pakikipagtalastasan. Nakapaloob sa Gobyerno Ti Umili ang pangangalaga sa kalikasan, transparency and accountability, bayanihan, barangay assembly, pagbabayad ng tamang buwis at pangangalaga sa proyekto. Ipinaliwanang lahat ito nina Teofilo V. Paulasa Jr., OIC-PAC at Ma. Teresa Sales, District Development Facilitator ng ikatlong distrito. Binigyan diin nila ang mga responsibilidad ng isang mamamayan at ang serbisyo na binibigay ng gobyerno.

Sa mensahe ng mga Punong Barangay, lubos ang pasasalamat nila sa mga proyektong binibigay ng Kapitolyo sa pamumuno nina Gobernador Bong Antonio at Bise-Gobernador Odi Fausto.

Ayon pa sa kanila ang paghingi ng tulong sa mga proyekto noon ay sobrang napakahirap. Pabalik-balik sila upang makakuha ng kahit konti para sa kanilang proyekto. Ngayon, sa pamumuno ni Gobernador Bong Antonio, ang pamahalaan na ang mismong pumupunta sa barangay at nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan para ibigay ang mga proyektong naaangkop sa pamayanan. Kahit ang pinakaliblib na barangay ay naabutan na ng tulong. Dagdag pa ni Punong Barangay Fortunato Barcena, kahit baguhang kapitan lamang siya, nakakuha agad siya ng proyekto na ikinasiya niya at ang buong konseho na nasasakupan nito.

Mensahe rin ng dating kapitan na si Rogelio Gallardo na dumalo rin sa pagtitipon, sa karanasan niya bilang opisyal noon, mahirap talagang humingi ng pondong pamproyekto dahil sa mismong harapan ng mga opisyales, sinasabi na walang pondo para sa kanilang proyekto.

Natapos ang programa na may ngiti sa bawat isa dahil sa mga proyektong naibigay sa bawat barangay. Alam ng mga mamamayan na sila ay kaisa at sila ay pantay-pantay na nabibigyan ng benepisyo, hindi lang ng iilang opisyales ng barangay kundi ng buong barangay. Mayaman man o mahirap, lahat ay pantay-pantay, anumang sektor ng lipunan ang kinabibilangan, sila ay parte ng pamayanan.

 
Leave a comment

Posted by on April 21, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: