RSS

Timek ti Barangay 3rd District (04/07/2014)

21 Apr

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

DRAINAGE NG BARANGAY CENTRO NORTHEAST MALAPIT NANG MATAPOS!

Inumpisahan na kamakailan ang pagsasagawa ng matagal ng inaasam-asam ng mga residente ng barangay Centro Northeast, Solana, Cagayan. Ito ay ang drainage canal na tanging solusyon sa paghupa ng baha tuwing tag-ulan.

Ayon kay Punong Barangay Virgilio De Asis, matagal na raw itong dinadaing ng mga residente kaya gumawa sila ng paraan para ito ay masolusyonan. Dagdag pa niya na matagal na sana itong naumpisahan kaya lang kulang pa ang pondo para rito. Sa tulong ng opisyales ng barangay, gumawa sila ng isang resolusyon na humihingi ng ayuda sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Alvaro “Bong” T. Antonio.

Bilang tugon ng Pamahalaang Panlalawigan, nabigyan ng ayudang pinansyal ang Bgy. Centro Northest para sa pagsasaayos ng drainage system nito. Noong taong 2008, P100,000.00 ang ayudang pinansyal na natanggap ng barangay upang maumpisahan na ang drainage canal. Sa taong 2013, P100,000.00 ang iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan sa barangay para sa pagtatapos ng drainage canal. Laking pasalamat ng mga residente ng barangay sa ayudang natanggap nila.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyales at residente ng barangay sa Pamahalaang Panlalawigan para maipatupad ang mga proyekto at programang higit na kailangan at tunay na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

 
Leave a comment

Posted by on April 21, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: