RSS

EDITORYAL (04/21/2014)

29 Apr

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Summer na naman… Sa mga estudyante, ito ang oras upang makapagpahinga matapos ang puspusang pagrereview at pagpupuyat sa paggawa ng mga takdang-aralin at proyekto.

Ngunit mas masarap isipin na sa paggugol ng bakasyon ay maging produktibo at makabuluhan ang mga araw na dadaan. Ito ang tamang oras upang magtrabaho at kumita para sa sarili at makaipon para magamit sa susunod na pasukan nang makatulong sa mga magulang. Ito rin ay isang paraan upang mapaunlad ang sarili at magkaroon ng mga bagong karanasan na hindi lamang natututunan sa apat na sulok ng silid-aralan.

Kung kaya’t sa paghubog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga kabataan upang sila ay maging produktibo kada bakasyon, isang taunang programa ang isinasagawa nito, ang Special Program for Employment of Students (SPES). Katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagsasakatuparan ng nasabing programa.

Malaking bagay ang naturang programa dahil bukod sa pagkakaroon ng kita ang mga kabataan, madadagdagan pa ang kanilang karanasan at kaalaman. At sa kanilang murang edad, mamulat na sila sa importansya ng pagtatrabaho ng mabuti.

Sa naturang summer job, mahuhubog ang mga kabataan kung paano maging masinop na kumita ng pera, maging responsible at maayos sa bawat ginagawa, magkaroon ng mga kaibigan na tutulong at tutulungan, mapaunlad ang kakayanan, magkaroon ng mga bagong karanasan sa labas ng silid-aralan at maipakita sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon at karanasan upang magampanan ang tungkulin.

Matututunan din nilang makilahok sa mga programa at proyekto ng gobyerno kasabay ang kanilang partisipasyon at pakikiisa upang maipatupad ang mga ito. Mamumulat din sila sa mga hinaing at tunay na sitwasyon ng kanilang kapwa at ang pakikinig at pagtugon sa mga ito. Mararanasan nila ang pagbibigay at pag-aalok ng kanilang serbisyo at ang pagpapahalaga sa kapwa. Matututunan din nilang pakipagtalastasan at makiisa sa pagbuo ng mga proyekto at programa na higit na makakatulong sa pag-unlad ng prubinsya.

Iyan ang tunay na serbisyo publiko na nais ipamana ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga kabataan. Isang serbisyo publiko na hindi hadlang ang edad o munting karanasang mayroon, kundi ang tunay na pagtulong sa kapwa, pakikiisa at maging isang responsableng mamamayan.

 
Leave a comment

Posted by on April 29, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: