RSS

EDITORYAL (04/28/2014)

05 May

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Ang museo ay isang lugar kung saan inilalagay ang mga mahahalagang sining, kultura at kasaysayan ng isang lugar. Nakikita rito na kahit sa modernong kapanahunan ngayon, hindi pa rin maikakaila na may makahulugan at malaking epekto ang mga bagay bagay na produkto ng nagdaang panahon sa kasalukuyan. Ito ang lugar na binubuo ng mga katangiang nagbubuklod sa mga mamamayan hindi lamang sa isang lugar kundi sa sanlibutan. Dito rin makikita ang mga natatanging yaman hindi lamang sa kultura kundi sa pagiging tanyag ng lipunan sa paggawa ng mga produktong mula sa yaman at ganda ng kalikasan nito.


Sa anumang kahulugan, hindi maitatatwang mayaman ang kultura ng Cagayan hindi lamang sa pinagmulang lahi kundi sa kakayanan ng mismong mga Cagayano at likas na yaman na makikita sa prubinsya. Sa pagiging malikhain ng mga Cagayano lalo sa larangan ng sining, ipinapamalas nito ang yaman na maaaring magpaunlad sa ating lipunan. Ang sining na malaking bahagi ng kultura at kampanyang pagpapaunlad ay nagpapasigla at nagdadagdag ng pang-akit ng Cagayan sa industriya ng turismo. Dahil dito, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang kauna-unahang programang magpapasigla at magpapalago sa industriya ng sining, ang Nature Art Camp: “Haplos Sining ni Inang Kalikasan.”


Dito naipamalas ng mga Cagayano ang angking galing at talento na mapanatiling buhay at masigla ang mga programang pangkultura na maaaring mang-akit ng turismo. Naipapamalas din dito na sa pagtatanyag ng kultura, hindi batid ang  anumang edad at kalagayan sa buhay. At sa pagdating ng panahon, ang prubinsya ng Cagayan ay makikilala sa mga programang kultural na siyang dadagsain ng mga turista at siya namang magpapalago ng pang-ekonomiyang aspeto nito. Nakakatulong din ito upang mas patibayin ang samahan ng mga Cagayano.


Nilalaman din ng nasabing sining ang likas yaman ng Cagayan. Ito ay patunay kung gaano pinangangahalagan at nirerespeto ng mga Cagayano ang napakayamang kapaligiran nito. Pinapakita rin dito kung paano pinagmamalaki ng mga Cagayano ang ganda ng likas yamang taglay nito.


Muli, ito ang dapat nating maunawaan. Ang kultura at kasaysayan ay nagsisilbing salamin at identidad ng isang lipunan. Sapagkat dito  nakapaloob kung paano mas pinagyayaman ng isang lipunan ang angking galing at talino ng nasasakupan nito. Kaakibat nito ang mga pag-aaral sa nakaraan at kasaysayan na siyang magagamit sa mga desisyong gagawin para sa ikabubuti ng pangkalahatan. Ito rin ay nagsisilbing pundasyon ng pagkakakilanlan at pakikipag-ugnayan ng isang lipunan sa pangkalahatan. Ang kultura at kasaysayan ay kaluluwa ng ating prubinsya, kapag ito ay pinabayaang maglaho, mawawala narin ang ating pagkakakilanlan bilang mga Cagayano.

 
Leave a comment

Posted by on May 5, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: