RSS

PGEHP, patuloy ang implementasyon

13 May
Si Engr. Flores habang nag-uulat sa updates ng PGEHP sa Pabahay Caravan.

Si Engr. Flores habang nag-uulat sa updates ng PGEHP sa Pabahay Caravan.

Ni Mielmia Marie T. Baquiran

Iniulat kamakailan ng Technical Working Group (TWG) ng Provincial Government Employees Housing Program (PGEHP) ang patuloy na implementasyon ng pabahay program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Inilatag ni Engr. Basilia Flores, Assistant Engineer ng probinsiya at miyembro ng TWG ng PGEHP sa naganap na “Provincial Caravan and Consultative Assembly with Local Officials and Officers of PGC on Provincial Pabahay Program” ang estado ng programang pabahay ng probinsiya. Ang nasabing aktibidad ay inilunsad ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) sa pakikipagtulungan ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), Home Development and Mutual Fund (HDMF) at National Housing Authority.

Ayon kay Engr. Flores, patuloy ang masigasig na implementasyon ng PGEHP na unang inilunsad noong taong 2009 sa kagustuhan ni Gobernador Alvaro T. Antonio na mabigyan ng pabahay ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan. “Ang PGEHP ay naitayo sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 05-2009 at ito ay naglalayong makapag-bigay ng pabahay sa mga empleyado sa murang halaga,” dagdag ni Engr. Flores.

Samantala ang PGEHP ay may dalawang site: Carig, Tuguegarao City at Patagueleg, Peñablanca, Cagayan. Ang Carig Housing Site ay may total area na 39,545 sq. m. na may 215 na lote at may laki na 96 sq.m. kada lote. Ito ay nabigyan na ng HLURB Certificate of Registration No. 18144 na may pangalang Cagayan Capitol Employees Socialized Housing Project. May 124 ng empleyado ang nakakuha ng Transfer Certificate of Title sa nasabing site. May 32 pang benepisaryo ng programa ang kasalukuyang pinapa-rehistro.

Patuloy naman ang pagde-develop sa Carig site. May backfilling na sa Carig at natapos na din ang paglalagay ng line drainage na may 230 linear meters sa nasabing lugar na natapos lamang ng 3rd quarter ng nakaraang taon.

Samantala, ang Patagueleg site naman sa bayan ng Peñablanca ay may lawak na 359, 211 sq.m.na may 1,449 na lote na may 120 sq.m. Ito ay na-classify na bilang residential lot mula sa pagiging agricultural na lote nito. Kasalukuyan din inaayos ng TWG ng PGEHP ang pagpaparehistro ng mga lote sa Patagueleg. Inaasahang matatapos ang pagpaparehistro ng mga ito sa susunod na taon. Sa nasabing lugar, may 1,253 na lote ang nabili ng empleyado sa Phase 1 at mayroon naming 196 na lote sa Phase 2.

Ang Patagueleg lot ay nabili ng Pamahalaang Panlalawigan ng halagang P2,423,650.80 noong taong 2008 sa pamamagitan ng Supplemental Budget No.4-2008. Ang Carig lot naman ay pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan.

Inihayag naman ni Edna T. Junio sa kanyang mensahe noong Provincial Pabahay Caravan, na ang PGEHP ay isang halimbawa ng programang nakatuon sa pagpapa-unlad ng mga empleyado. “Ang pabahay ay isa sa mga importanteng pangangailan ng tao at ang nararapat lamang na ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ay mabigyan ng disente at abot-kayang pabahay para sa kanilang pamilya,” dagdag ni Junio.

Hinikayat din ni Junio ang ilan sa mga local government units na dumalo sa pagtitipon na umpisahan ang pagpaplano at paglalaan ng programang pabahay para sa kanilang kawani. “Ito ay isang mahalagang pamana na maiiwan ninyo sa inyong mga kababayan na magsisilbing kayamanan ng kanilang pamilya,” sabi ni Junio.

Mula sa paglulunsad ng pabahay program noong 2009, patuloy ang pagsasagawa ng mga aksyon at plano para sa PGEHP. May mga ilang mga aktibidad pang inaasahan patungkol sa PGEHP at isa na dito ang pagbibigay ng TCT sa ilan pang benepisaryo ng Carig site. Inaasahan din ang patuloy na development ng dalawang site kabilang na ang patuloy na konstruksyon ng road networks at ang pagpapatayo ng line drainage sa Patagueleg

 
Leave a comment

Posted by on May 13, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: