RSS

Kabataan muling nagtipun-tipon sa Summer Youth Camp

16 May

PYAPI

Ni Angelyn S. Lacambra

Humigi’t kumulang 400 na kabataan mula sa 13 na munisipalidad ng lalawigan ang nagtipun-tipon upang muling ipadama ang kahalagahan ng pagkakaisa, ipakita sa kapwa kabataan ang angking talino at galing sa iba’t ibang larangan, at upang manguna sa promosyon ng healthy lifestyle sa kapwa kabataan. Sa pamamagitan ng Summer Youth Camp na ginanap sa Luga, Sta. Teresita, Cagayan noong Abril 9-11, 2014, muling pinatunayan ng kabataang Cagayano na ang kooperasyon ay isang mahalagang sangkap sa pagpapaunlad ng kakayanan, talento, at abilidad sa larangan ng sports development, pagsayaw, at pag-awit.

Ang Summer Youth camp ay taunang isinasagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa loob ng tatlong araw sa pangunguna ng youth sector ng opisina. Ito ay dinadaluhan ng mga kasapi ng Pag-asa Youth Association of the Philippines Incorporated (PYAPI) Cagayan Chapter, Youth Development Workers (YDWs), at kanilang facilitators. Taun-taon ay ihinahanda ang kabataan sa capacity-building at iba’t ibang contested categories na humuhubog sa kanilang talento at nagpapaalala sa kanilang kultura.

Ayon kay Elvira Layus, Youth Coordinator ng PSWDO, bukod sa iba’t ibang contested event ay isang makabagong challenge ang umaliw sa dumalong kabataan ngayong taon. Ito ang “bunong-braso” challenge o pagtatagisan ng lakas sa pagitan ng kabataan na nasa “third sex.” “Nitong mga nakaraang taon ay naging karaniwan na ang mga aktibidad tulad ng tagisan sa pagsasayaw at pag-awit, beauty search, sports development, at indigenous games. Ngayong taon naman, pinatunayan ng kabataang nasa third sex na sila ay may angkin ding galing sa tagisan ng lakas. Sa pamamagitan ng bunong-braso challenge ay nasubok hindi lamang ang kanilang pisikal na kakayanan, sila rin ay nasubok kung gaano kabilis gumana ang isipan at paano makihalubilo sa ibang kaedad,” dagdag pa ni Layus.

Nagkaroon din ang summer youth camp ng kauna-unahang pig-catching challenge sa kabataan kung saan sila ay binigyan ng ilang minuto upang mag-unahan sa paghuli ng biik na napahiran ng grasa sa isang maputik na lugar. “Kung sino ang makakahuli ng biik ay siya na ang magmamay-ari nito. Ang biik ay kanyang aalagaan at maaaring mapagkakitaan sa hinaharap, ” pagtatapos ni Layus.
Ang tema ngayong taon ng aktibidad ay “PYAPI Joining Together for Progress.”

Bilang bahagi ng aktibidad ilang lectures hinggil sa Adolesent Reproductive Health (ARH) at Disaster Risk Reduction Management (DRRM) First Aid ang isinagawa. Naging resource speakers sina Herita Macarubbo ng Commission on Population Region 02, at Restituto Vargas ng PSWDO.

Ang mga sumusunod ang tinanghal na nanalo sa ilang contested events sa Summer Youth Camp:

Indigenous Games
Patintero: Second District
Cadang-cadang: Camalaniugan
Pig-catching: Aparri
Tug-of-War: Peñablanca
Palo-sebo: Lallo
Sack race: Lallo
Vocal Solo: Claveria
Vocal Duet: Lallo
Pop dance: Baggao

Sports Development
Basketball: Champion: First District
Volleyball Men: First District
Volleyball Women: First District

Pop Dance: Baggao

 

 
Leave a comment

Posted by on May 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: