RSS

PIO Dokumentaryo, inilunsad

16 May
Ang “PIO Dokumentaryo” ay isa sa mga bagong programa ng PIO.

Ang “PIO Dokumentaryo” ay isa sa mga bagong programa ng PIO.

Ni Angelyn S. Lacambra

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Provincial Information Office (PIO) ang kauna-unahang PIO Dokumentaryo na tumatalakay sa paghahanda tuwing may darating na kalamidad o sakuna sa lalawigan. Ang dokumentaryo na pinamagatang “Cagayan…Ang Pagharap sa Kalamidad,” ay unang ipinalabas sa RBC Cable Master System, Tuguegarao City at sumunod na ipinalabas sa 19 local cable stations sa iba’t ibang bayan mula sa tatlong distrito ng Cagayan noong Abril 4, 2014.

Bukod sa paghahanda, naging konsentrasyon pa ng dokumentaryo ang iba’t ibang thematic area ng disaster risk reduction tulad ng prevention and mitigation, rehabilitasyon sa mga nasirang ari-arian, imprastraktura, at agrikultura, at ang pagbangon ng mga Cagayano pagkatapos ng unos. Ipinapakita rin nito kung paano nakamit ang “zero casualty” na siyang pinakapangunahing layunin ng Pamahalaang Panlalawigan sa panahon ng kalamidad sa tulong na rin ng iba’t ibang katuwang na ahensiya sa pangunguna ng Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Council (PCCDRRMC) sa pamumuno ni Gobernador Alvaro T. Antonio.

Ayon kay Cristopher Barcena, Officer-In-Charge ng PIO, tatlo pang dokumentaryo ang nakatakdang ipapalabas ngayong huling tatlong kwarter ng taon. “Ang mga nalalabi pang paksa ay inaasahang tatalakay sa iba’t ibang prayoridad na programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan na sumasaklaw sa 10-K Agenda ni Gobernador Antonio at ang mga ito ay maaaring makatulong sa pang-araw-araw nating buhay. Ang nauna nang ipinalabas na dokumentaryo ay hindi lamang upang ipakita ang isinasagawang paghahanda ng pamunuan ni Gob. Antonio tuwing may kalamidad, ito ay naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga Cagayano tuwing may kalamidad sa lalawigan at maging gabay natin sa pag-iwas sa maaaring maging kapahamakan sa hinaharap,” pahayag ni Barcena.

Mapapanood din sa dokumentaryo ang iba’t ibang pagsasanay hinggil sa life-saving techniques para sa 18 rescue teams na binuo sa pamumuno ng Rescue 29 ng PCCDRRMO. Ayon sa PCCDRRMO, ang mga pagsasanay na ito ay upang ihanda ang rescue members sa isasagawang disaster response sa tuwing may sakuna. Ayon pa sa PCCDRRMO, ang iba’t ibang pagsasanay ay regular na ibabahagi sa rescue groups upang kanila ring maisalin sa ibang miyembro at sa susunod pang magiging na miyembro ng grupo.

Ang mga bubuuing dokumentaryo ng PIO ay magsisilbing Information Education Communication materials para sa mga Cagayano sa iba’t ibang komunidad ng lalawigan upang sila ay mananatiling updated o maalam sa lahat ng isinasagawang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

 
Leave a comment

Posted by on May 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: