RSS

SPES, patuloy na nagbibigay trabaho

16 May
Mga aplikante ng SPES habang ini-interbyu.

Mga aplikante ng SPES habang ini-interbyu.

Ni Jesusa S. Avena

Dalawampu’t-dalawang taon nang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pagbibigay trabaho sa mga estudyanteng nagnanais kumita ng pera tuwing bakasyon. Ito ay nagiging isang katuparan sa pamamagitan ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Sinimulang itatag ang programang SPES kung saan kalakip ito sa proyektong Kabuhayan 2000 noong 1992 at sa bisa ng Memorandum of Agreement mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at ang PGC. Ang dating Gobernador na si Rodolfo E. Aguinaldo ang nagsulong upang makasama ang programang SPES sa linya ng mga proyektong makakatulong sa mga kabataan.

Ang SPES ay naglalayon ding paunlarin ang kakayahan at hubugin ang pagkatao ng mga kabataan upang maging responsableng mamamayan sa pamamagitan ng pagtatrabaho upang magkaroon ng kikitain na magagamit sa kanilang pag-aaral.

Kamakailan lang, daan-daang mga estudyante sa kolehiyo mula sa iba’t ibang bayan ng ikatlong distrito ang dumagsa sa Governor’s Pavilion upang sumailalim sa interbyu na isinagawa ng mga kawani ng Public Employment Services Office (PESO) at People’s Action Center (PAC).

Ayon sa PESO, 392 na estudyante ang bibigyan ng trabaho sa loob ng dalawampung araw at 43 na estudyante naman ang magtatrabaho ng tatlumpung araw. Ang sahod ng mga estudyante ay P350.00 bawat araw. Magmumula sa PGC ang P210.00(60%) nito at P140.00 (40%) naman ay mula sa DOLE.

Malaking bagay ang proyektong SPES sa mga mahihirap na estudyanteng Cagayano sapagkat sa pamamagitan ng proyektong ito ay maipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang pag-aaral at makakatulong pa ito sa kanilang pamilya at lipunan.

Nagsimula ng magtrabaho ang mga benepisaryo ng SPES kung saan sila ay itinalaga sa iba’t ibang opisina sa Pamahalaang Panlalawigan.

 
Leave a comment

Posted by on May 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: