RSS

Vice Gov. Fausto, hinirang na pangalawang pangulo ng ULAP

16 May
Si Bise Gobernador Fausto ay pangalawang pangulo ng ULAP.

Si Bise Gobernador Fausto ay pangalawang pangulo ng ULAP.

Ni Emelyne Tarrangco-Mappala

Hinirang si Bise Gobernador Leonides N. Fausto bilang unopposed vice president ng Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP. Ang nasabing eleksyon ay ginanap nito lamang Abril 25, 2014 sa Richmond Hotel, Manila.

Ang ULAP ay nabuo nuong September 1998 na naglalayong pag-ugnayin ang mayors, vice mayors, governors, vice governors, councilors at barangay officials para sa usapin ng national at lokal issues na nakakaapekto sa bansa at pinagtutulungan itong solusyonan para sa ikakaunlad ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Vice Gov. Fausto, “Ang ULAP ay magsisilbing boses ng mga lider sa bansa upang maipahayag ang saloobin, opinion, suhestiyon at solusyon ng pangunahing problema sa bansa na nakakaapekto sa taumbayan. Ito rin ay magsisilbing instrumento ng mga lider para sa sa kaunlaran at mapanatili ang kalayaan ng local government units lalo na sa paghahatid ng pangunahing serbisyo sa tao,” dagdag pa ni Vice Gov. Fausto.

Kaugnay nito, ang ULAP ay binubuo ng 80 governors, 80 vice governors, 1,498 municipal mayors, 120 city mayors, 1,631 vice mayors, 16,718 councilors, 41,995 barangays at 335,960 Sangguniang Kabataan.

Napanatili rin ng asosasyon ang taunang convention, regular fora, consultation, dialogues at seminars para sa ikakabuti ng mga miyembro nito.

 
Leave a comment

Posted by on May 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: