RSS

Daniw ti Umili (05/12/2014)

19 May

peoples action masthead final jpeg

 

MAMA
(Clarisse Auricel G. Taccad, SPES)

Ngayon ay araw ninyong mga ilaw ng tahanan,
Pagpupugay sa inyong pagiging huwaran,
Sa bawat hirap na aking dinaranas,
Kayo ay laging nandiyan para magbigay lunas.

Malaking pasasalamat ang sa iyo’y iaalay
Para sa sakripisyo at pagmamahal mong ibinigay,
Pasaway man kami minsan,
Lagi ka paring nandiyan at di mo kami iniwan.

Nanay, Mama, Mommy, Inang, at Ina,
Yan ang tawag sa inyo tuwina,
Tunay ngang ilaw ka ng aming buhay,
Pagkat ikaw ang nagbigay ng kulay.

Sobra ka naming hinahangaan,
Sa prinsipyo mong ipinaglalaban,
Maging sa iyong katapangan at katatagan,
Para maiahon kami sa kahirapan.

Ma, ito’y alay ko sa iyo,
Sana’y madama mo ang pagmamahal na ito,
Salamat sa lahat lahat ng sakripisyo,
Ako ay saludo sayo.

 
Leave a comment

Posted by on May 19, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: