RSS

EDITORYAL (05/12/2014)

19 May

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Dahil sa tiwalang ibinigay ng mga Cagayano sa kasalukuyang administrasyon, patuloy ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na nakaangkla upang lipulin o kundi man mabawasan ang bilang ng mga Cagayanong nakasadlak sa kahirapan. Kahirapan na siyang dahilan upang hindi matugunan ang ilan sa mga prayoridad sa buhay, ang maglaan para sa pangangailangang medikal.

Sa panahon ngayon na nagtataasan na ang presyo ng mga bilihin at sapat lang ang kinikita upang masustena ang pang-araw araw na pangangailangan, nakakalimutan nang maglaan ang isang pamilya ng badget para sa medikal. Kung meron man, ito ay hindi nakakasapat sa tuluyang paggaling ng maysakit. Sa kasamaang palad, napapabayaan pa ang sakit hanggang sa lumala na lalong nagpapabigat sapagkat mas malaking badget ang kinakailangan para sa pagpapagamot dito.

Sa kadahilanang ito, patuloy ang paglaan ng pondo ng Pamahalaang Panlalawigan upang tugunan ang pangangailangang medikal ng mga Cagayano. Kabilang dito ang pagbibigay ng suportang pinansyal para sa pagpapagamot at pagpapaospital, pagsasagawa ng mga medical-dental missions, pagbibigay ng libreng bakuna at bitamina at iba pa. Dagdag pa ang patuloy na pagbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan na pandagdag kita ng mga Cagayano.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan nito sa ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philhealth. Sa programang ito, nagtalaga ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng mga point of care sa mga 14 na district hospitals na nasasakupan nito. Layunin ng programang ito ang i-enrol ang mga kapos-palad nating kababayan sa health care insurance na inaalok ng gobyerno nasyonal at magamit ang mga benepisyo nito.

Ang patuloy na pagpapatupad ng mga proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay may direktang epekto sa buhay ng mga Cagayano upang maibsan ang kahirapang nararanasan at matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ngunit atin ding pakatandaan na sa pagtupad at paggampan sa ating tungkulin at responsibilidad at pakikipagtulungan sa gobyerno, makakamtan ang layuning pag-asenso at pag-unlad. Magsumikap tayo at huwag lamang umasa sa tulong na maibibigay ng gobyerno.

 
Leave a comment

Posted by on May 19, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: