RSS

EDITORYAL (05/26/2014)

02 Jun

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Pagsasaka… Ito ang pangunahing pangkabuhayan ng mga Cagayano. Sa lawak ng lupain ng Cagayan, dagdag pa ang yamang taglay nito, tiyak na magbubunga ng mga magagandang produkto na siyang mag-aangat sa pangkabuhayan ng mga Cagayano.

Isama na rin ang pagiging masipag at matiyaga ng mga Cagayano at ang suporta at ayudang nakukuha mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Sa mga kadahilanang ito, ang mga Cagayano ay nakikilala bilang mga mahuhusay at produktibong mga magsasaka. Patunay ito ng kanilang pagkakwalipika sa mga patunggaling naglalayong ipakilala ang mga magagaling na magsasaka hindi lamang sa lokal kundi sa nasyonal.

Tunay na napakahalaga ng mga magsasaka sa ating lipunan. Sila ang nagdadala ng pagkain sa ating hapag-kainan. Mga palay, mais, prutas, gulay at iba pa ay kanilang mga produkto na bukod sa pagkain ng mga Cagayano, nagagamit rin bilang pangkalakal na siyang magpapalago sa ekonomiya ng ating prubinsya.

Kaya’t isa sa mga prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa paglaan ng pondo nito ay sa sektor ng agrikultura. Malaking pondo ang nakalaan sa nasabing sektor simula sa mga binhi hanggang sa pag-ani at pagkalakal sa mga produkto. Nariyan ang mga libreng binhi, makabagong teknolohiya sa pagsasaka, pagsasanay at edukasyon sa mga magsasaka at mga suportang imprastraktura tulad ng mga Small Water Impounding Project (SWIP), multi-purpose drying pavement, farm-to-market roads at iba pa na siyang makakatulong sa ating mga magsasaka. Kasama na rin ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa nasyonal upang lalong pagyamanin ang agrikultura sa Cagayan na pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga Cagayano.

Ito ay mga suportang tunay na makakatulong sa ating mga magsasaka, ngunit kung hindi rin dahil sa kanilang pakikipagsalubungan sa gobyerno sa pamamagitan ng kanilang tiyaga, pagsusumikap at kasipagan, hindi mapagtatagumpayan ang sinasabing pagpapayaman at pagpapalago sa sektor ng agrikultura. Patuloy ang tulong at suporta sa mga magsasakang Cagayano na sa lahat ng hamong haharapin: kalamidad, bagyo, tagtuyot, baha o ano pa man, pagkakaisa, pagtutulungan, sipag at tiyaga ang siyang titibag sa magiging epekto ng mga nasabing sakuna.

 
Leave a comment

Posted by on June 2, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: