RSS

People’s Action News (06/02/2014)

10 Jun

PAC Pebrero 3 2014
Bilang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa kahalagahan at magandang naibibigay ng sports, isa sa mga pangunahing proyekto na kasalukuyang isinasagawa nito ay ang pagpapaunlad ng Cagayan Sports Complex na pinangungunahan ng Provincial Engineer’s Office (PEO).

Sa nasabing proyekto, naglaan ng pondo ang Pamahalaang Panlalawigan para sa pagruruberize ng humigit sa 7,000 sq.m. na track oval nito. Bukod sa track oval, kasalukuyan  ang pagpapatayo ng isang multi-purpose center na magsisilbing coliseum ng sports complex. Ito ay may lawak na humigit sa 3,000 sq. m.

Patuloy din ang pagsasaayos ng streetlights at drainage canal ng nasabing complex. Kasama dito ang pagpapatuloy ng konstruksyon ng grandstand stadium.
Kabilang din sa plano ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng ecological park sa loob ng sports complex na maaaring magsilbing pasyalan ng mga turista, atleta at mga Cagayano.

“Inaasahang matatapos ang pagruruberize ng track oval sa June 21, 2014 upang ito ay magamit sa darating na selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan ngayong buwan,” pahayag ni Ronald B. Salazar, tagapangasiwa ng Cagayan Sports Complex.

Ayon kay Gob. Alvaro T. Antonio, layunin niyang gawing isang “Sports Power House” ang Cagayan na kung saan ay maaari nang ganapin dito ang mga iba’t ibang palaro mapalokal man o nasyonal. Makakaakit din ang sports complex ng mga turista na siyang magpapalago ng turismo sa ating prubinsya na may malaking kontribusyon sa pag-asenso ng ekonomiya.

Naging inspirasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapalago ng Cagayan Sports Complex ang pagiging kilala na ng mga Cagayanong atleta sa iba’t ibang nasyon. Patunay dito ang pagiging kampeonato nito sa naganap na Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet (CAVRAA) at pagkamit ng anim na medalya sa Philippine National Games na ginanap sa kasalukuyang taon. Tunay ngang kahanga-hanga ang mga Cagayano sa larangan ng sports. Naipapamalas nito ang angking galing, kakayanan at talino ng may disiplina at kaakibat na responsibilidad.

GREEN BANNER AWARD – NAKAMIT NG APARRI SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

Muling nakuha ng Aparri, Cagayan sa pangalawang pagkakataon ang Green Banner Award sa larangan ng nutrisyon batay sa isinagawang taunang ebalwasyon ng Provincial Nutrition Committee (PNC) ng Cagayan para sa taong 2013. Ang bayan naman ng Amulung ang pumangalawa, pangatlo ang bayan ng Iguig, pang-apat ang bayan ng Abulug at pang-lima ang bayan ng Gattaran.

Matatandaang noong 2012, ay unang nakamit ng Aparri ang Green Banner award kung saan nagtala ng pagbaba ng bilang ng mga batang may kaso ng malnutrisyon dahil sa isinagawang Operation Timbang Plus (OPT-Plus).

Ang ebalwasyon ay taunang pagsubaybay sa local level plan implementation para sa taong 2013. Taunang isinasagawa ng PNC Cagayan ang aktibidad na ito upang masubaybayan ang implementasyon ng mga programang pangnutrisyon sa lalawigan at ang pagbaba ng kaso ng malnutrisyon sa bawat bayan.

Kaagapay ang mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa programang ito na may layuning mawala o mabawasan ang kaso ng malnutrisyon sa lalawigan. Itinuturing din silang “foot soldiers” na naghahatid ng libreng serbisyo sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay at ang kanilang pakikiisa sa mga aktibidad patungkol sa nutrisyon at kalusugan.

Samantala, napili bilang Outstanding Barangay Scholar si Juliet Nicolas ng Barangay Plaza, Aparri. Pumangalawa si Elisa Narag ng Barangay Centro, Lallo, pumangatlo si Leticia Dayag ng Barangay Calamagui, Amulung, pang-apat si Rowenalie Lattao ng Barangay Callao, Peñablanca at pang-lima naman ay si Olivia Liban ng Centro Sur, Gattaran.

PAGPAPAIGTING SA PANGONGOLEKTA NG BUWIS, PATULOY PARING ISINASAGAWA

Patuloy pa rin ang Provincial Assessor’s Office ng Pamahalaang Panalawigan ng Cagayan sa pangongolekta ng Real Property Taxes (RPT), Special Education Fund (SEF), Transfer Taxes at Secretary’s Fee.

Ayon kay Atty. Rhodora Enaman, Provincial Assessor, malaki ang naitutulong ng programang ito sa pag-iimbentaryo ng mga ari-arian ng mga mamamayan at ang pagpataw ng tamang buwis sa mga ito. Ang mga makokolektang buwis ay karagdagang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang magamit sa pagpapatupad ng mga proyekto at programa nito.

May 35 na panibagong RPU na napatawan ng humigit sa P200,000.00 bilang RPT. Halos P150,000.00 na ang nakolekta mula sa mga naiprosesong transfer tax ng RPU at humigit sa P5,000.00 naman ang nakolekta mula sa pagsesertipika ng mga tax declarations.

Noong buwan ng Marso 2014, 113 certificate of property holdings ang naiproseso at nakolekta ng nasabing opisina ng humigit sa P11,000.00.

Sa buwan ng Abril 2014, iniulat ng Provincial Assessor’s Office na 367 ang naiprosesong Transfer of Tax Declaration ng Real Property Units (RPUs) kung saan humigit kumulang sa P300,000.00 ang naipataw na buwis dito.

Samantala, nirebisa ang 421 RPUs kung saan humigit sa P150,000.00 ang makokolektang buwis mula rito. Siniyasat at sinaliksik naman ang 199 RPUs na maaaring makakolekta ng P40,000.00 na buwis mula rito.

PAGGAWAD NG SMALL INFRASTRUCTURE PROJECTS

Muling nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ng ayudang pinansyal para sa mga proyektong imprastraktura ng mga Aparrianos noong Mayo 19, 2014. Nabigyan ng proyekto ang 16 na barangay ng Aparri, Cagayan. Ang nasabing tulong ay tugon sa mga prayoridad na proyektong imprastrakturang tunay na kailangan ng mga Aparrianos.

Sa pagbigay ng tulong pinansyal na ginanap sa barangay Mabanguc, Aparri, Cagayan, naroon sila Gob. Alvaro T. Antonio, Bise-Gob. Leonides N. Fausto, Bise-Mayor Rommel Alameda, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan, mga punong barangay kasama ang iba pang opisyales ng barangay ng bayan ng Aparri, Cagayan.

Bilang panimula, nagkaroon ng oryentasyon hinggil sa adbokasiyang Gobyerno ti Umili (GTU) bilang paalala sa mga mamamayan at mga opisyal sa kanilang tungkulin at responsibilidad upang makamit ang pag-asenso at makabuluhang pagbabago.

Binigyang diin ni Gob. Antonio sa mga opisyal ng barangay ang maayos at malinis na pag-iimplementa ng mga natanggap na tulong. Sa mensahe naman ni Bise-Gob. Fausto, patuloy ang suportang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan para sa kabutihan ng mga barangay at mismong mga mamamayang Cagayano.

Bilang kinatawan ng mga Aparrianos, nagbigay ng mensahe si Bise-Mayor Alameda. Ayon sa kanya, sila ay nagpapasalamat sa mga proyektong naibigay sa kanila. Ipinapangako niya na sa abot ng kanilang makakaya, ipapatupad nila ng maayos at malinis ang mga proyekto para sa mga Aparrianos at patuloy ang kanilang suporta at pakikiisa sa adbokasiyang Gobyerno ti Umili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ang mga sumusunod ang naibigay na proyektong imprastraktura:
table

Mga dapat tandaan kapag lumilindol:

Kung ikaw ay nasa loob ng bahay o opisina:
• Kumubli sa ilalaim ng mesa, kama, sopa o
likod ng pintuan na matibay ang
pagkagawa
• Pagkatapos ng unang pagyanig, ibaba ang
main switch ng kuryente
• Isara nang mahigpit ang tangke ng gas
• Huwag gumamit ng posporo kung
inaakalang sumisingaw ang tangke ng gas

Kung ikaw ay nasa labas naman ng bahay o gusali:
• Agad humanap ng masisilungan na hindi
marupok ang pagkagawa
• Mag-ingat sa mga bumabagsak na poste,
kawad ng kuryente o mga bumabagsak na
parte ng mga napinsalang gusali

Pag nakasakay ka naman sa tumatakbong
sasakyan:
• Ihinto ang sasakyan malayo sa matataas na
gusali, gilid ng bangin o matarik na lugar
• Manatili sa loob ng sasakyan
• Kung wala ng pagyanig na nararamdaman,
magmaneho ng marahan at iwasan ang
daan na malapit sa gumuguhong lupa,
bitak na lupa at mga napinsalang gusali

Higit sa lahat, kailangan lamang na tayo ay laging handa sa mga ganitong sitwasyon. Huwag nating hayaang manaig ang takot o ang pagkalito at laging isaalang-alang ang kaligtasan ng pamilya.

 
Leave a comment

Posted by on June 10, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: