RSS

Timek ti Barangay 3rd District (06/02/2014)

10 Jun

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

PUNONG BARANGAY ROBIN B. LAXA
BGY. ALITUNGTUNG, AMULUNG, CAGAYAN

Ang barangay na ito ay pinamumunuan ng isang matapat, responsible, matulungin at masipag na si Punong Barangay Robin B. Laxa.

Taong 2010, nang siya’y iniluklok sa posisyon ng pagka-punong barangay. Walang sinayang na sandal at sinimulan ang paglilingkod sa barangay. Unang proyekto nito ay ang mini-gym phase 1-3 na nagkakahalaga ng Php300,000.00 na galing sa ating kagalang-galang na Gobernador Alvaro T. Antonio. Sinundan pa nito ang pagtulong sa eskwelahan sa kanyang barangay, pinamunuan ang pagtayo ng “concrete fence” sa harapan ng paaralan na ang pondo nito ay galing na naman kay Gobernador Alvaro T. Antonio.

Sa layuning mapabilis ang pag-unlad ng kanyang barangay, ipinatupad na naman ang proyektong pagsemento sa daan sa purok 3 sa tulong pinansyal ng mga opisyal ng Cagayan. Ngayon, nakikita ang saya ng mga tao sa komunidad sa proyektong ito dahil lagi nilang pinapanatiling malinis ito.

Karamihan sa mga tao sa barangay ay magsasaka, kaya nag-isip ang kasalukuyang kapitan ng kanyang mga opisyales. Nagbigay din ng mga materyales para sa pagpapatayo ng ilang poso sa barangay.

Ngayon, kasalukuyang pinapaayos at pinapagawa ni Punong Barangay Robin B. Laxa ang ikalawang palapag ng Barangay Hall.

May pagmamalaking isinalaysay ni Punong Barangay Robin B. Laxa ang mga taong nasa likod ng mga natapos na proyekto. Unang-una, sa buong suporta ni Gobernador Antonio at ang kanyang mga kasamang opisyal sa prubinsya ng Cagayan, sa mga kasama niyang opisyal sa barangay at mga tao sa komunidad.

Nagpapasalamat siya sa suporta at pakikiisa na ipinapakita sa kanya. At sa pagdaan ng panahon, ninanais niya ang patuloy na kooperasyon at pagsama-sama ng buong komunidad, gayundin ang walang sawang suporta ng mga opisyal ng prubinsya ng Cagayan sa pamumuno

 
Leave a comment

Posted by on June 10, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: