RSS

EDITORYAL (06/09/2014)

16 Jun

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Pinatunayan ng bawat Cagayano ang kahandaan sa pagharap sa kalamidad. Sinubok ng panahon ngunit hindi natinag. Ang tagumpay ng Zero Casualty sa mga nagdaang taon ang resulta ng maigting na kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gob. Bong Antonio.


Sa kasalukuyan, puspusan pa rin ang ginagawang paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, sapagkat hindi pa rin nakakasiguro na sapat na ang paghahanda dala ng pagbabago ng panahon at papalakas ang mga bagyong pumapasok sa ating bansa.


Dahil dito, hangarin at mithiin ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mismong mga Cagayano ang pag-ibayuhin ang mga plano para sa paghahanda sa mga sakunang darating. Prayoridad nito ang kaligtasan ng bawat isa at mabawasan ang maaaring pinsalang dala ng mga sakuna. Kabilang dito ang pagbibigay ng suporta at ang pagbibigay importansya at prayoridad sa mga “disaster preparedness plans”. Isama na rin ang pagsasanay at pagbibigay edukasyon sa mga Cagayano na kanilang magagamit sa panahon ng unos. Kinakailangan din ang pagkakaroon ng pagbubuklod-buklod at pagkakaisa ng mga ahensya at mismong mga Cagayano na handang tumulong at sumuporta sa oras ng pangangailangan at sa pagtataguyod ng mabuting adhikain para sa prubinsya. Ito ay simbolo ng paninilbihan na inuuna muna ang nakakarami bago ang sarili.


Totoong hindi natin kontrolado ang mga kalamidad. Pero kung papaano hindi ito magiging isang malaking trahedya ay ang dapat pag-usapan. Kaya sa mga ganitong pagkakataon kailangan paalalahanan ang ating kapwa Cagayano na muli’t muli, ang pagkakaisa, kooperasyon at pagtutulungan ang tunay na solusyon sa pagharap at pagresolba sa mga hamong haharapin ng prubinsya. Ang bawat Cagayano ay may mahalagang tungkulin at responsibilidad upang makamtam ang matagalang pag-unlad at pag-asenso ng prubinsya. Maging kalahok, makiisa at pirming nakaangkla sa ating komunidad at identidad. Iyan ang tunay na Gobyerno ti Umili.

 
Leave a comment

Posted by on June 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: