RSS

Timek ti Barangay 3rd District (06/09/2014)

16 Jun

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

PAGBIBIGAY NG AYUDANG PINANSYAL
IGUIG, CAGAYAN

Noong taong 2013 nagbigay si Governor Bong Antonio ng ayudang pinansyal sa limang (5) barangay sa munisipyo ng Iguig. Isa sa 5 barangay na nakatanggap ay ang barangay Campo. Inumpisahan na kamakailan ang pagsemento sa daan ng barangay Campo na matagal ng suliranin ng mga residente dito. Hirap kasing dumaan ang mga sasakyan lalo na ang maliliit gaya ng tricycle at motorsiklo lalo na tuwing tag-ulan dahil sa putik at mga batong nakakalat dito.

Ayon kay barangay Captain Mercedes Medrano matagal nang idinadaing ng mga residente ito kaya’t naman laking pasasalamat nila kay Gobernor Bong Antonio dahil sa pamamagitan niya nagkaroon ng solusyon ang matagal nang daing ng mga residente.

Umaasa pa rin ang mga resident n asana patuloy pa rin ang pagtulong ni Gobernor upang maituloy ang proyektong naumpisahan dito.

BRIGADA ESKWELA 2014
ENRILE, CAGAYAN

Taong 2014, ika 19-24 ng Mayo ang lingo para sa Brigada Eskwela. Ito ay isa sa mga programa ng gobyerno sa DepEd sa buong Pilipinas upang ihanda ang lahat ng paaralan at silid-aralan bago magsimula ang pasukan.

Lahat ng mga magulang na may anak na nag-aaral sa elementary at sekundarya, mga opisyal at miyembro ng Parent-Teacher Association (PTA), mga opisyales ng barangay, mga pamilya na miyembro ng 4P’s, mga guro at mga magulang ay nagkaisa sa pagsasaayos ng pasilidad ng paaralan.

Kabilang sa mga gawaing ito ang: paglilinis sa likod, harap at palibot ng paaralan, pag-aayos ng mga bintana, mesa, upuan at pagpipinta ng silid-aralan.

Dahil sa kakulangan ng gugugulin sa programang ito naghahanap ang mga Principal at mga guro ng mga pilantrupong mamamayan na maaaring makapag-ambag ng kahit na ano, pera man o mga bagay na maari nilang itulong upang maiayos nang mabuti ang paaralan na kanilang kinabibilangan.

Kasiyahan ng mga “Monitoring Team” ang kanilang nasaksihan na halos matatapos na ang mga gawain sa paaralan. Nakikita sa programa ng gobyerno na  hindi nawawala ang bayanihan sa taong bayan.

 
Leave a comment

Posted by on June 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: