RSS

EDITORYAL (06/30/2014)

08 Jul

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Makulay, masaya at magandang pagkakaisa ng mga mamamayang Cagayano… Iyan ang selebrasyon ng Aggao Nac Cagayan.


Ito ang taunang selebrasyon inaabangan ng mga Cagayano na siyang nagpapakita at nagpapakilala sa likas yaman, kultura, tradisyon at produkto ng mga Cagayano.


Nariyan ang Agri Trade & SME Trade Fair na siyang nagpapakita ng mayamang agrikultura at pagiging masipag at malikhain ng mga Cagayano. Nagtatanghal din dito ng mga produkto na gawa ng mga Cagayano na maaaring maipagmalaki.


Kabilang din ang mga iba’t ibang sports events tulad ng chess and billiard tournaments, sing and dance contest, friendship games at iba pa. Dagdag pa ang pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa larangang ito sa pamamagitan ng pagpapa-unlad at pagpapalago ng mga pasilidad at kagamitan pangsports. Kabilang din ang story telling, logo making, read-a-thon at photography contest na siyang nagpamalas sa galing, abilidad at talino ng mga Cagayano.


Nariyan ang Jobs Fair na siyang nagbigay ng oportunidad sa mga Cagayano na makapagtrabaho at kumita ng sapat para sa kanilang pamilya. Nagbigay din ito ng oportunidad sa mga Cagayano upang makakuha ng trabaho na angkop sa kanilang kaalaman, galing at talento. Naipakita rin ng mga Cagayano ang kanilang pagiging matulungin sa pamamagitan ng pakikilahok nito sa blood donation upang makasagip ng buhay ng iba.


Kasama rin sa selebrasyon ang pagpili ng Binibining Cagayan na kung saan naipamalas at naipakita ng mga Cagayana ang kanilang angking ganda, talino at galing na tunay na maipagmamalaki ng bawat Cagayano.


Nagkaroon din ng Marian Voyage of Peace and Love na nagpapakita ng pagiging makadiyos ng mga Cagayano at nagsisilbing gabay upang magtagumpay.


At upang lalong sumaya ang selebrasyon, nagkaroon ng mga konsyerto na kung saan maraming artista ang nagbigay ng saya at aliw sa mga Cagayano.


Hindi rin naisasantabi ang pagbibigay importansya ng mga Cagayano pagdating sa pangangalaga ng kalikasan at pagiging handa nito sa mga sakuna, unos at kalamidad tulad ng bagyo, tagtuyot, baha, lindol at iba pa. Ang Disaster Preparedness and Response and Climate Change Summit/Workshop ay nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon at paalala patungkol sa pagiging handa pagdating ng sakuna, unos at kalamidad. Dagdag pa rito ang pagsagawa ng Fun-run na may temang “Takbo para sa Kalikasan” na siyang nagpapaalala sa mga Cagayano na pahalagahan ang kalikasan.


Ngunit sa lahat ng ito, ang selebrasyon ay nagpapatunay ng pagkakaroon ng pagkakaisa, pagtutulungan at pakikilahok ng bawat Cagayano, anumang sektor ang kinabibilangan, tungo sa iisang layunin, ang pag-unlad at pag-asenso.

Mabuhay ang mga Cagayano!

 
Leave a comment

Posted by on July 8, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: