RSS

People’s Action News (07/07/2014)

15 Jul

PAC Pebrero 3 2014

Dahil sa pagbabago ng panahon at teknolohiya, marami ng inobasyon ang ginawa at gagawin pa, upang lalong mapagbuti at lalong mahikayat ang mga mag-aaral na maging globally competent sa mga bansang may mga mauunlad na teknolohiya.

At sa kagustuhan na rin ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Alvaro T. Antonio, sila ay naglagay ng mga computer sa Provincial Library, upang magamit hindi lamang ng mga estudyante, kundi ng mga nagnanais na mapabilis ang ano mang nais na masaliksik at masagot ang mga katanungan na kung minsan ay hindi nakikita sa mga libro.

Ang mga nilagay na computer ay maaari ding gamitin ng mga estudyanteng kumukuha ng kanilang masteral o doctoral degree. Subalit pinagbabawal gamitin sa mga social media site tulad ng facebook, twitter at iba pa.

Ayon na rin sa tagapangasiwa ng Provincial Library, sila ay naglagay ng mga alituntunin na dapat sundin ng bawat estudyante na nagnanais gumamit ng mga computer.

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG INTERNET

  1. Lahat ng gustong gumamit sa internet ay magpalista sa nangangasiwa sa computer.
  2. Lahat ng gustong gumamit ng internet ay kinakailangang magbigay ng kaukulang pagkakakilanlan o ID’s (Student ID, Voter’s      ID, Company ID, Driver’s License etc.)habang gumagamit ng internet.
  3. Bawat gagamit ay binibigyan ng tig-isang oras (1hr) para dito at kung kinakailangan pa ng mas mahabang paggamit, hihingi ito ng pahintulot sa tagapangasiwa.
  4. Lahat ng gagamit ay mabibigyan ng unit pagkatapos magpalista.
  5. Ang paggamit ng computer ay libre para sa lahat.
  6. Bawal magpaimprenta o maglagay ng mga nasaliksik sa USB flash drive bagkus ilagay sa sariling email.

MGA IPINAGBABAWAL

              Ang internet ay ginagamit lamang sa research.

    Bawal ang paggamit sa mga sumusonod:

  • Facebook
  • Twitter
  • Myspace
  • LinkedIn
  • Instagram
  • Youtube
  • Friendster
  • Immoral Sites
  1. Paglalagay ng ibang software at paninira sa computer settings ay mahigpit na ipinagbabawal.
  2. Anumang pinsala o sira sanhi ng hindi tamang paggamit, hindi tamang pagkilos at sadyang paninira ng kahit anumang parte o bahagi ng computer ay pananagutan ng kasalukuyang gumagamit,anumang bayarin sa pagsasaayos o pagpapaayos sa anumang sira ay sasagutin din ng gumagamit o di kaya’y palitan angbagay na nasira.
  3. Anumang uri ng pagkain at inumin ay ipinagbabawal sa internet area.
  4. Panatilihing tahimik ang paligid.
  5. Sino mang mahuli na lumalabag sa mga kahit alinmang panuntunan sa loob ng aklatan at sa paggamit ng anumang gamit pangteknolohiya ay hindi na makakagamit pang muli at malalagay siya sa blocklist.

MGA ALITUNTUNIN AT PATAKARAN SA PAGGAMIT NG CAGAYAN SPORTS COMPLEX TRACK OVAL

  1.  Bawal ang balat na sapatos o sandals.(Pinahihintulutan ang mga naka rubbershoes, naka-tsinelas o maging naka yapak lamang.)
  2. Bawal magdala ng anumang alagang hayop.
  3. Bawal ang mag-skateboard, scooter, rollerblades at mag-bisikleta.
  4. Bawal magdala ng anumang klase ng nakalalasing na inumin.
  5. Bawal manigarilyo, dumura, at mag-chewing gum.
  6. Bawal magdala ng baril at patalim.
  7. Bawal ang anumang uri ng paputok.
  8. Bawal ang pagkakabit ng anumang commercial advertisement, banners at pag solicit sa loob ng Sports Complex, maliban kung ito ay pinahihintulutan ng Pamunuan ng Sports Complex.
  9. Ang mahuhuling nag-vandalism o sumira sa kagamitan ng Sports Complex ay pagbabayarin para sa pagsasaayos ng pasilidad ng Sports Complex.
  10. Siguruhin ang personal na kagamitan bago pumunta sa Track Oval para mag-ehersisyo.

Hindi sagutin ng Pamunuan ng Sports Complex ang anumang kagamitan na masisira o mawawala.

Paunawa:

Ang Cagayan Sports Complex Track Oval ay pasilidad ng bawat Cagayano.  Aming hinihiling  sa lahat ng gagamit sa Sports Complex ang kooperasyon at pagiging responsable upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan.

Bukas ang Sports Complex Track Oval mula Lunes hanggang Linggo, 4:00 hanggang 7:00 ng umaga at 3:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi. Walang hinihinging bayad sa pagtakbo sa Sports Complex Track Oval.

PROVINCE OF CAGAYAN ACCOMPLISHMENT REPORT ON GOVERNMENT INFRASTRUCTURE PROJECTS/PROGRAMS/ACTIVITIES AS OF JUNE 30, 2014

table2

PhilHealth Point of Care-Marami ng Natulungan

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula ng simulan ng Pamahalaang Panlalawigan ang Phil Health- Point of Care, ay marami na itong natulungang mga kababayan natin na walang sapat na kakayanang magpagamot o magpa-ospital.

Sa pamumuno ng ating Gobernador Alvaro T.Antonio at sa pakikipagugnayan sa Philippine Health Insurance, ang mga sumusunod na bayan na Phil-Health accredited ang mga District Hospital ay nakapagtala ng  datos ng mga enrollees. Sa kasalukuyan, nabayaran na ng ng Pamahalaang Panlalawigan ang labing-dalawang (12) batch ng mga na-enroll at kasalukuyang pinoproseso ang pagbabayad sa ika-labingtatlo (13) hanggang labing-siyam (19) na batch.

table

 
Leave a comment

Posted by on July 15, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: