RSS

Timek ti Barangay 3rd District (07/07/2014)

16 Jul

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

PUNONG BGY. MACARIO CASTILLO
Bgy. Nangalisan, Solana, Cagayan

Ang barangay  Nangalisan sa bayan ng Solana, lalawigan ng Cagayan  matatagpuan ang  malawak na taniman ng palay sa bayan ng Solana. Sa larangan ng Agrikultura makikita ring umaabante pagdating sa  teknolohiyang pansakahan  bagama’t may mga mangilan-ngilang problemang kinakaharap, isa na rito ang kakulangan ng solar dryer dahil kapag panahon ng anihan ay kulang ang mga patuyuan ng palay kaya kung minsan pumupunta pa ang mga magsasaka  sa national highway para makapagbilad ng palay.

Hindi  lingid sa kaalaman ng mga namumuno sa barangay ang suliraning ito kaya’t sa pamumuno ng butihing ama at lider ng naturang barangay na si Hon. Macario Castillo dinulog  ang problemang ito sa opisina ni Gob. Alvaro  T. Antonio. Sa pamamagitan ng pagpasa ng isang resolusyon at di nagtagal naaprubahan ito. Nasagot ang kahilingan ng mamamayan, at sa kabuuan  may tatlong solar dryer na nagawa sa iba’t ibang bahagi ng nabanggit na barangay na ipinagpapasalamat ng mga mamamayan dahil wika nila laking tulong sa mga magsasaka ang naturang proyekto, dagdag  pa rito ang barangay Nangalisan ay nanguna din sa patimpalak ng “Cleanest and Greenest Barangay” sa Municipal at Provincial Level noong 2007 at 2008. Nasa pang limang pwesto rin siya sa Regional level.

 
Leave a comment

Posted by on July 16, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: