RSS

EDITORYAL (07/07/2014)

17 Jul

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Tinaguriang ang silid-aklatan ay isa sa mga haligi ng sibilisasyon. Ito ang lugar na may pinakamalaking impluwensya at gumaganap ng pinakamahalagang bahagi sa pagpapasulong ng kultura, tradisyon at teknolohiya ng mamamayan.

Kung kaya, isa sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay ang pagpapaunlad at pagpapalago ng Provincial Learning and Resource Center (Provincial Library) gamit ang makabago at modernong teknolohiya. Ito ay ang paglalagay ng mga computer o electronic gadgets at internet na makabagong mga pasilidad sa pananaliksik.

Sa pamamagitan nito, napapadali ang mga gawaing pananaliksik na hindi kinakailangan ang mahabang oras lalong lalo sa mga estudyante na naghahanap ng kasagutan sa naibigay na takdang-aralin, gaya na lamang ng paggawa ng research, reports at iba pa.

Sa pagbrowse sa internet, napapagaan ang gawain at natututo ang mga mag-aaral, guro at mananaliksik sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng kaalaman sa larangan ng teknolohiya. Napapadali rin nito ang pakikipag-ugnayan sa iba at ang pakikipagtalastasan na siyang magpapaunlad sa kaalaman at isipan. Maari ring makakuha rito ng mga dagdag na impormasyon na tunay na makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante at pagbabahagi ng mga guro sa mga mag-aaral. Tulad na lamang sa paggawa ng mga presentasyon at iba pa na mas mapapadaling gawin gamit ang mga electronic gadgets at internet. Dagdag pa rito ang mga impormasyon at issue na siyang makakatulong sa pang-araw araw na gawain ng tao.

Tunay ngang malaki ang naitutulong sa atin ng makabagong paraan at sistema ng pananaliksik. Ngunit huwag natin isantabi ang importansya ng libro na siyang orihinal na pinagmulan ng mga impormasyon. Gaya rin ng internet, malaki ang naitutulong nito sa pananaliksik lalong lalo na kung walang wifi o internet connection. Ito pa rin ang tinaguriang orihinal at tradisyonal na porma at sistema ng pananaliksik.

Malawak na impormasyon, pagpapaunlad at pagpapalago sa kayamanan ng kaalaman… iyan ang naibibigay ng teknolohiya. Na dapat ay gamitin sa tama at huwag itong abusuhin upang hindi makadulot ng masamang epekto sa buhay. Ito ay dapat pakaingatan para na rin sa magandang kinabukasan. Dapat itong pagyamanin sapagkat ang teknolohiya ay ipinagkaloob na sa atin. Ito ay isang instrumento at paraan na makakatulong sa pag-unlad ng kaalaman at impormasyon na siyang magagamit bilang gabay sa pang-araw araw na pamumuhay.

 
Leave a comment

Posted by on July 17, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: