RSS

Timek ti Barangay 3rd District (07/14/2014)

25 Jul

peoples action masthead final jpeg


Timek Ti Barangay

PUNONG BGY. MACARIO B. MABAZZA
BARANGAY IV, ENRILE, Cagayan

Ang lider na nahubog sa disiplina at may pagmamalasakit sa sinumpaang tungkulin ay sandigan ng makataong pamamahala. Ito ang maglalarawan sa ama at lider ng Bgy. Cento- IV, sa bayan ng Enrile, Cagayan. Pagkatapos magretiro sa Militar sa mahigit  dalawampu’t taong paninilbihan sa iba’t ibang sangay ng military hindi pa rin tumigil ang magiting na ama, bagkus sumabak siya sa pulitikang pambarangay para maipagpatuloy ang hangarin niyang makatulong pa rin sa bayan at sa kanyang barangay. Sa kanyang pagkakaluklok sa tungkulin nagsimula na rin niyang bigyang katuparan ang kanyang mga pinapangarap na mangyari sa loob ng kanyang barangay. Pinagtuunan niya ng pansin ang kapayapaan sa loob ng barangay at ipinaintindi nya sa mga tao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapayapang pamayanan, binigyang  din nya ng importansya ang pagpapatibay sa “Solid Waste Management” at ang mga proyektong pang inprastraktura.

Nilapit niya ang mga problema at karaingang ito sa opisina ng butihing Gobernador ng lalawigan ng Cagayan, si Gobernador Alvaro T. Antonio at Bise -gob. Odi Fausto, kasama ang mga miyembro ng konsehong panlalawigan, hindi nagtagal ay natugunan ang mga karaingan at mga suliraning ito. Sa kanyang unang termino bilang kapitan sa Centro-IV. Natapos niya ang mga sumusunod;

•    Pathway at Bareo
•    Street Light at Sitio San Juan
•    Purchase of 1 rescue boat
•    Drainage Canal along Bunagan St.
•    Drainage Canal along Quezon St.
•    Additional Street Light Carag, Guzman, Quezon Street
•    Drainage Canal Along Roxas St.
•    Continuation of Footbridge
•    Pathway along Talood to Caranguian at Sition San nJuan
•    Renovation of Bgy. Hall, Day Care, Tanod Headquarters
•    Drainage Canal along Carag St. going to Villla Maria
•    Street Light of footbridge
•    Re-Opening of Farm to Market Road at Tanap Silawan
•    Concreting of Bgy. Road at Roxas St.

Sa kasalukuyan, may mga ilang proyekto pa ang inaasahang maisasakatuparan sa mga sumusunod na mga panahon.

•    Pathway connecting to Bareo Bridge going to Sibal
•    Dryer at Tanap Silawan
•    Foot Bridge at Makasangsang River
•   Re-opening of Farm to  Market road (Sibal going to Tabba)

Dagdag pa ng butihing kapitan na sana ay patuloy pa rin ang suporta na binibigay ng Gobyreno Ti Umili sa kanila ng sa ganun mas mapaunlad pa ang kanyang barangay at makatulong para maiangat pa ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa kanyang nasasakupang barangay o komunidad.

 
Leave a comment

Posted by on July 25, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: