RSS

EDITORYAL (07/21/2014)

30 Jul

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan…ito ang palagi nating naririnig sa mga magulang, guro o sa mga nakakatanda. Subalit, ano nga ba ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan upang maipakita at mapanindigan na sila nga ay karapat–dapat na tawaging  pag-asa ng bayan?


Iyan ang pangunahing hamon na hinaharap ng kabataan. At bilang tugon at pagkilos, may mga kaparaanang ginagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ni Gobernador Alvaro T. Antonio. Isa na rito ang pag-organisa at pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga kabataan sa pamamagitan ng kauna-unahang programang Cagayan Youth Movement (CYM). Naniniwala ang Pamahalaang Panlalawigan na  ang kabataan ay kilala bilang inisyador at ahitador. Sa pamamagitan ng kanilang kaalaman, abilidad, kakayanan, talino, diskarte at paglahok sa kanila sa mga isyung panlipunan, sila ay may malaking ambag sa pag-asenso ng lipunan.


Ang CYM ang magiging boses at sandigan ng mga kabataang Cagayano sa lipunan. Sa pamamagitan ng isang organisasyon at isang sustinidong pagkilos, magkakaroon ng  isang malakas na pwersa ang mga kabataan upang maipahayag at maibahagi ang kanilang ninanais at pananaw sa mga nangyayari sa ating prubinsya.


Ang CYM din ay magbibigay ng oportunidad sa ating mga kabataan upang matupad ang kanilang  mga pangarap at hinahangad. Ngunit, hindi rin isinasantabi ng CYM ang pagtuturo sa mga kabataang Cagayano na tuparin ang kanilang pangarap na hindi lamang isinaalang alang ang pansariling kapakanan kundi ang pagbigay halaga sa kapakanan ng pangkalahatan.


Ganito ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ang suporta nito sa mga mga kabataang Cagayano. Patuloy itong lumilikha ng iba’t-ibang aktibidad at programa na maaring maging kasapi ang bawat kabataang Cagayano upang itaguyod ang interes at kapakanan ng nasabing sektor. Ito rin ay upang mapaunlad ang kanilang kakayanan, talento at abilidad at maging isang maipagmamalaking responsableng kabataang Cagayano.


Ang katangian ng kabataang Cagayano, ang kasiglahan ng pag-iisip at pagkilos, ang pagbahagi ng kanilang saloobin at pananaw, ang kahandaan na tumanggap ng mga bago at pamamaraan, ang kagitingan sa paglahok sa isyung panlipunan at ang pagnanasang makalikha ng maningning na kinabukasan ang siyang magdadala ng pag-asa sa ating prubinsya. Ngunit atin ding tatandaan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng lipunan at mga nakakatanda sa buhay ng mga kabataan. Sila ang isa sa mga aspetong bumubuo sa kung paano ang nagiging pagtanaw ng kabataan sa kanilang sarili at sa mga taong nakakasalamuha nila. Sa murang pag-iisip ng mga kabataan, responsibilidad din ng lipunan ang gabayan at suportahan sila sa kanilang mga desisyon upang hindi sila maging sakit ng lipunan.

 
Leave a comment

Posted by on July 30, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: