RSS

People’s Action News (07/21/2014)

30 Jul

PA Jul 21P1

Isa sa mga programang inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pangunguna ng People’s Action Center (PAC) ay ang Cagayan Youth Movement (CYM)-Tuguegarao Chapter, “Kabataang kumikilos para sa kanyang kapakanan ang tunay na pag-asa ng bayan”. Ito ang kauna-unahang organisasyon ng mga kabataan na naglalayong magtataguyod sa karapatan at kagalingan ng mga kabataang Cagayano. Ang naturang aktibidad ay ginanap noong Hulyo 20, 2014 sa Governor’s Pavilion, Capitol Grounds, Tuguegarao City, Cagayan. Dinaluhan ang CYM ng mga kabataang Cagayano mula sa siyudad ng Tuguegarao.

Ang CYM ay isang organisasyon ng mga kabataan ng Cagayan na tutugon sa pangangailangang magkaisa para palakasin at paunlarin ang kakayahan, abilidad at talento bilang isang mahusay na mamamayang Cagayano. Ito ay “non-political”, “non-profit”, “non-stock” at “non-sectarian” na naniniwala at naninindigan na magkaisa ang mga kabataang Cagayano, manindigan sa interes ng kabataan, tuldukan ang diskriminasyon sa mga kabataan at hikayatin ang mga kabataan sa mga programa na huhubog sa kanila para maging mahusay na lider ng kabataan.

Ito ay bukas sa lahat ng kabataan o organisasyon ng kabataan na gustong sumapi at naniniwala sa adbokasiya ng CYM na may kwalipikasyon na mga kabataang kabilang sa edad 15 – 35, mga organisasyon ng kabataan na may 15 na kasapian at “affiliate member” o mga kabataang hindi Cagayano na naniniwala sa adbokasiya at layunin ng organisasyon.

Layunin din ng nasabing programa ang organisahin at konsolidahin ang hanay ng kabataan sa Cagayan para sa pagtataguyod ng kanilang karapatan bilang isang batayang sektor sa Cagayan. Kabilang din dito ang mapaigting ang kakayahang maging mahuhusay na lider kabataan sa prubinsya, makalikha ng mga programa at kampanya na makakatulong sa mga organisasyon ng kabataan at magkaroon ng mga aktibidad na makakatulong sa iba pang sektor sa Cagayan na mapataas ang kanilang kalagayan sa lipunan. Layunin din ng CYM ang lumikha at sumuporta sa mga “Informative and Educational Activities” (training, seminars, forum, exposure at iba pa) upang madagdagan ang kakayahan ng mga kabataan, makipag-alyansa at makapaglikha ng mabuting relasyon sa iba’t ibang organisasyon ng kabataan sa Cagayan at maglunsad ng mga youth camp, sportsfest, battle of the bands at iba pa upang maigiya ang mga kabataan sa tamang landas.

Ayon kay Cristina Antonio, tagapamahala ng PAC, ang CYM ay ang magiging boses, lakas at sandigan ng mga kabataang Cagayano. Ang nais ng CYM na ang bawat miyembro ng organisasyon ay may boses at papel sa paghulma o paghubog ng mga kabataang Cagayano at sisiguraduhin nito na ang pangarap at ideya para sa kabataan ay nakasakay sa organisasyong ito. Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ay lalong magpapalakas sa boses ng nasabing sektor. Ang CYM din ang pag-asa ng mga kabataan sa kaparaanang mangarap hindi lamang para sa sarili kundi para sa bayan. Dagdag pa niya ang pagkilala sa lakas ng kabataan na may malaking ambag para sa pagsulong ng lipunan.
Nagkaroon din ng oryentasyon ng Gobyerno ti Umili (GTU) upang ipaalala sa mga kabataang Cagayano ang kanilang responsibilidad at tungkulin para sa ikabubuti ng lipunan. Hinikayat din sila upang makiisa at makilahok sa paggogobyerno – sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at mismong Cagayano tungo sa mahigpit na pagkakatuwang at buhay na pagbibigkis.

Naging pakay din ng aktibidad ang pagpili ng mga mamumuno sa Cagayan Youth Movement (CYM) – Tuguegarao City Chapter. Ang mga sumusuno ang opisyal ng naturang organisasyon:

President:             Shanna Mae Alcaide
Vice-president:      Jeremiah Decena
Secretary:            Cerilo Macanang
Treasurer:             Daisy Gannaban
Auditor:                Joy Tatiana Cue
Press Relation Officers:
Bernadette Banga
Joshua Masidoc
Business Managers:
Angelica Buguina
Amadeo Otero
Adviser:               Marlo M. Sabuya

BENEPISYARYO NG 4Ps PROGRAM-TUMAAS

Ayon sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWDO), sa isinagawang pagpupulong ng Provincial Advisory Committee – Provincial Grievance Committee ng Cagayan ay tumaas ang bilang nga mga benepisaryong nabayaran para sa programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa ikalawang kwarter ng 2014.

Isa sa mga nakitang dahilan sa pagtaas ng mga benepisaryo mula sa datos na 28, 856 sa unang kwarter at 29, 715 sa pangalawang kwarter ay ang pagtanggap ng bayan ng Calayan ng tulong pinansyal mula sa DSWDO. May nakalaan na ring Php704, 700.00 halaga para sa mga benepisaryo para sa buwan ng Hunyo.

Dahil sa programang ito, may 583 ng pamilyang naiangat sa antas ng survival to subsistence level o may kakayanan ng bumuhay at sustenahin ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sa iba pang ulat, ang Expanded Students in Grants Program (ESGP) for Poverty Alleviation ng 4Ps ay mayroon ng  199  estudyanteng nabigyan ng benepisyo ng naturang programa. Ang mga estudyanteng ito ay kasalukuyang nag-aaral sa Cagayan State University (CSU) ng lalawigan ng Cagayan.

Bawat estudyante ay makakatanggap ng halagang Php30,000.00 kada semester, kung saan Php10,000.00 dito ay mapupunta para sa bayaring pang tuition fee, Php2,000.00 para sa alawans ng libro at Php3,000.00 na buwanang alawans ng estudyante sa loob ng anim (6) na buwan. Ang halagang ito ay ipagkakaloob ng DSWD sa Commission on Higher Education (CHED) na siya namang ibibigay sa CSU upang sila na ang namahala sa pagkakaloob ng nasabing halaga sa bawat estudyante.

Tips para sa Malusog at Malakas na Pangangatawan

Umpisahan ang araw ng tama. Dapat masustansya ang almusal.

Ang pagkain ng almusal ay tumutulong para mas matutukan at makilahok sa mga aktibidad sa paaralan.

Sa ginawang pag-aaral, nakatutulong ito para makontrol ang timbang.

Kumain ng masustansyang almusal gaya ng lugaw, uminom ng gatas na may mababang nilalamang taba, tinapay  at prutas.
Kung nahuli ka nang nagigising, magbaon ng saging o tinapay na pwede mong kainin tuwing bakante mong oras.

Maging aktibo sa Sports Activities sa Paaralan!
Maging masaya kasama ng iyong mga kaklase sa mga aktibidad na ginagawa.

Basketball, soccer, volleyball at marami pang ibang mga larong makakatulong upang mapanatiling malusog ang katawan at makamit ang wastong timbang.

Mga gawaing pisikal ay importante para magamit ng katawan ang calories na nakukuha mula sa pagkain at inumin. Nagiging sobra sa timbang o tumataba ang taong hindi nagagamit ng tama ang mga calories na ito.

Kailangang sumali sa mga pampalakas na aktibidad upang maging maginhawa ang pakiramdam at maging kaaya-aya ang itsura at nasa tamang disposisyon ang katawan.

Uminom ng tamang dami ng tubig araw-araw!
Kailangan ng katawan ang anim (6) hanggang walong  (8) baso ng tubig sa loob ng isang araw, lalung-lalo na kung mainit ang panahon o kung physically active ka.

Siguraduhing ang katawan ay napapanatiling husto ang naiinom na tubig.

Maari din uminom ng gatas, juice at sopas bilang alternatibo.

Magkaroon ng balanseng pagkain!
Kahit anong klase ng pagkain ay pwedeng maging healthy diet. Ang mahalaga ay ang dami at kung gaano kadalas kainin ang mga ito.

Maaring kumain ng mga paboritong chichirya, subalit limitahan ang pagkain nito at piliin lamang ang mga may mabababang lamang taba.

Kailangan din ng katawan ng protina, carbohydrates, taba, bitamina C at A, iron, kalsyum at iodine na makukuha sa iba’t ibang klase ng pagkain.

Gamitin ang  food pyramid guide upang makuha ang tamang halaga ng bitamina, mineral at nutrient.

 
Leave a comment

Posted by on July 30, 2014 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: