RSS

People’s Action News (07/28/2014)

05 Aug

PA Jul 281

Bilang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa kahalagahan ng pagiging handa sa oras ng sakuna, kalamidad at ang pagpapahalaga sa kalikasan, ginanap ang kauna-unahang Responders Seminar hinggil sa Disaster Risk Reduction and Management and Environmental Protection noong Hulyo 25, 2014 sa Capitol Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan. Dinaluhan ang naturang seminar ng Municipal Development Facilitators (MDF), Bantay Dagat, Bantay Gubat, Cagayan rescuers at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Officers (MDRRMO) ng buong prubinsya.

Naging parte ng pagtitipon ang oryentasyon hinggil sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Tinalakay dito ang kasaysayan, mission at vision ng PCGA. Kabilang din sa mga tinalakay ay ang maritime safety, maritime search and rescue, maritime environmental protection, maritime law enforcement at maritime security. Tinalakay ito ni Commodore Oscar T. Garcia ng PCGA.

Ang PCGA Indoctrination Seminar ay pinangunahan ni Commodore Larry F. Dimagiba, Deputy National Director for Administration. Naging paksa ni Commodore Dimagiba ang iba’t ibang uri ng sakuna, response operations at ang tungkulin at responsibilidad ng PCGA lalo na sa pagtulong at pagsuporta nito sa Philippine Coast Guard sa pagbantay ng marine environment at sa safe operation of vessels kasama ang pagsasagawa ng search and rescue operations.

Tinalakay din ang organizational structure ng PCGA. Hinikayat ng naturang ahensya ang lahat ng dumalo na kumalap ng mga aplikante o sinumang nais mapabilang at maging bahagi ng PCGA na isang civilian volunteer organization.

Laking pasasalamat ni Vice Admiral Joseph Dy, National Director ng PCGA sa pagkakataong ibinigay sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang maipamahagi sa mga Cagayano ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa paghahanda at mga prosesong susundin sa panahon ng kalamidad.

Samantala sa naturang pagtitipon, dumalo rin si Congressman Patrick Antonio ng Agbiag Partylist. Kanyang ipinahayag ang kahalagahan ng pagiging handa ng mga Cagayano sa panahon ng kalamidad at laging nakaagapay ang Agbiag at handang tumulong sa mga Cagayano. Bilang suporta, nagkaloob ang Agbiag ng 31 units ng multi-cab para sa prubinsya upang magamit sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Sa mensahe ni Gobernador Alvaro T. Antonio, kinakailangan ang pagtitipong tulad nito upang pagtibayin ang pagkakaisa ng mgakinauukulang ahensya sa usapin ng kalamidad at masiguro na handa at ligtas ang bawat Cagayano sa oras ng sakuna. Binigyang diin din ni Gob. Antonio ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating kalikasan na para sa atin at sa susunod pang henerasyon. Hinikayat din ni Gob. Antonio ang lahat na dapat manguna sa pagprotekta at pangangalaga sa ating kalikasan.

Dagdag pa ni Gob. Antonio ang pagbibigay ng aluminum boats na siyang magagamit sa panahon ng kalamidad.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction and Management Office (PCCDRRMO). Buo naman ang suportang ibinigay ng Philippine Coast Guard, Philippine Coast Guard Auxiliary, Coast Guard District North Eastern Luzon at Coast Guard Auxiliary District North Eastern Luzon. Sa kagustuhan ni Gob. Antonio na maging handa ang bawat Cagayano sa panahon ng kalamidad, personal niyang inimbitahan ang coast guard upang magbigay ng oryentasyon at indoctrination seminar.

IKA-36th NDPR WEEK-IPINAGDIWANG

Ipinagdiwang noong Hulyo 18, 2014 ang ika-36th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week. Dinaluhan at nakisaya sa pagdiriwang ang karamihan sa mga Persons with Disability (PWDs). Ang selebrasyong ito ay taunang ginagawa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Department of Social Welfare and Development Office (DSWDO) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang gunitain ang kahalagahan ng mga may kapansanan at bigyang pugay ang kanilang kontribusyon sa lipunan.

Sa binigay na mensahe ni Helen Donato, Acting PSWD Officer, binigyang diin niya ang kahanga-hangang kontribusyon ng mga PWD, hindi lamang dito sa ating lalawigan, kundi maging sa buong bansa.

Ipinarating din ni Edna Junio, Provincial Administrator, ang kanyang pagbati sa mga PWD, ang mga naging kontribusyon nila sa lipunan, lalong-lalo na sa lalawigan, na bagamat sila ay may kapansanang pisikal hindi nila ito ginawang hadlang upang maipakita ang kanilang talento at kakayanan.

Nagbigay din ng mensahe si Benjamin Banatao, na siyang keynote speaker ng naturang programa. Ayon sa kanya, hindi hadlang ang kapansanan ng isang tao upang magtagumpay, bagkus, ito ay dapat gawing hamon sa pagharap at pagtupad ng pangarap.

KARAGDAGANG TIPS PARA SA MALUSOG AT MALAKAS NA PANGANGATAWAN

Pagpili ng tama at wastong pagkain. Sumayaw, maglakad, magpapawis!

Ang nakakapagod na pag-eehersisyo kapag humihingal na at tumatagaktak na ang pawis ay maganda para sa sirkulasyon ng puso. Nagbibigay din ito ng dagdag na enerhiya.

Simulan ang pag-eehersisyo sa pamamagitan ng pagbabanat ng mga muscles at sundan ng 20 minutos na pagtakbo, pagsasayaw o kaya ay paglangoy. Huwag kalimutang mag-cool down sa pamamagitan ng pagbanat ng kalamnan at paghinga ng malalalim.

Vitamin A, Iron at Iodine – dapat sapat!
Upang makapag perporma ng maigi sa eskwelahan at ang katawan  ay sumigla, kailangan ng tamang  supply ng vitamin A, iron at iodine.

Piliin ang mga pagkaing mayaman sa mga ito. Vitamin A: Whole egg, whole milk, liver, breakfast cereal; Iodine: fish and shellfish, Iron: lean red meat, chicken, fish, green leafy vegetables.

Tandaan, ang orange o kalamansi juice ay nakakatulong sa  iron absorption pero ang tsaa o kape ay makakabawas sa absorption nito.

Maghanap ng oras para mag-ehersisyo.

Sikaping makapag-ehersisyo ng 30-60 minuto araw-araw.

Kahit mga simpleng aktibidad tulad ng pagbisikleta o jogging ay malaki ang maitutulong upang mapalakas ang katawan mo.

Subukan din ang paglalakad. Ito’y mas madali at hindi nangangailangan ng pera.

Gumamit ng 10-minutong aktibidad kada isang oras tuwing nagbabasa, gumagawa ng homework o nanunood ng telebisyon. Gawin ang mga simpleng aktibidad  na ito para sa total na 30 minuto araw-araw.

Pumili ng tamang meryenda.

Kumain ng mga meryenda tulad ng cereal na may gatas, mansanas, cracker o kaya saging. Sa paminsan-minsan, pwede ring kumain ng chips, tsokolate at kendy o biskwit, pero tiyaking kumakain ng tama.

Iwasang kumain ng mga snacks na ito habang nagbabasa ng libro, nanunood ng telebisyon o naglalaro ng computer games. Napakadaling kumain kung ikaw ay hindi gutom. Maari ding masira ng mga ito ang gana sa pagkain ng almusal, tanghalian at hapunan.

Dagdagan ang Calcium sa iyong diet.

Napakataas ng rate ng bone growth sa teen years.

Para sigurado ang healthy growth ng buto at ngipin, mahalaga ang sapat na calcium intake.

Ang pinakamainam na pagkuhanan ng calcium ay ang sumusunod: gatas, keso, ice cream, yogurt at mga berdeng dahon ng gulay.

Kumain ng prutas at gulay

Ang prutas at gulay ang nagbibigay ng supply ng carbohydrates para sa enerhiya. Binibigyan din ang katawan ng ilang bitamina, mineral at fiber. Sikaping kumain ng   5 servings ng prutas at gulay araw-araw.

Ang isang baso ng juice ay katumbas ng isang serving ng prutas.

 
Leave a comment

Posted by on August 5, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: