RSS

EDITORYAL (07/28/2014)

05 Aug

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Pagpupugay at pagsaludo sa mga rescuers, volunteers at Cagayano… Sa panahon ng kalamidad hindi matatawaran ang pagtugon sa tungkulin ng bawat rescuer at volunteer sa prubinsya ng Cagayan. Sila ay handang magsakripisyo at harapin ang panganib magampanan lamang ang sinumpaang tungkulin, ang magligtas ng buhay sa oras ng kalamidad.


Sa patuloy na paghahanda sa mga darating na kalamidad at sakuna, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, sa pangunguna ni Gobernador Alvaro T. Antonio ay naglaan ng pondo para makabili ng makabagong kagamitan na malaki ang maitutulong sa mga rescuer. Kabilang din dito ang  pagbibigay ng impormasyon, trainings at seminars sa mga rescuer at Cagayano sa kung ano ang mga dapat gawin at mga prosesong susundin kapag panahon ng unos. Nariyan din ang pagbibigay ng babala at impormasyon sa mga Cagayano sa darating na bagyo upang maiwasan ang maaaring malalang epekto ng kalamidad. Dagdag pa na napakahalaga sa bawat pamilya na may kaalaman  kung ano ang gagawin, saan pupunta at kung paano maililigtas ang pamilya at ang kanyang sarili sa panahon ng kalamidad.


Upang masiguro ang kaligtasan ng mga Cagayano sa oras ng kalamidad at sakuna, kinakailangang maging handa, mag-isip at gumawa ng mga paraan para maiwasan ang masamang epekto ng kalamidad.


Nariyan ang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga kinauukulang ahensya upang masiguro na ligtas ang bawat Cagayano sa panahon ng sakuna at kalamidad. Naniniwala ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na sa pagkakaroon ng pagkakaisa, kakayanin ang anumang sakunang darating.


Ang paghahanda sa kalamidad at ang panawagang “zero casuality” ay hindi magtatagumpay kung hindi magsisimula sa bawat Cagayano na maging rescuer sa kanilang pamilya.


Muli, ang pagiging handa at pagtutulungan ang mga pangunahing kailangan sa pagharap at pagresolba sa mga hamong darating. Ang bawat Cagayano at may tungkulin at responsibilidad upang makatamtan ang anumang layunin. Makilahok, makiisa at tumulong hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi sa pangkalahatan.

 
Leave a comment

Posted by on August 5, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: