RSS

EDITORYAL (08/18/2014)

28 Aug

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL


Wala sa pera o dahas wala sa satsat o boladas ang pagbabago, mga katagang gumabay sa maayos at tuwid na pag gogobyerno ni Gobernador Alvaro T. Antonio. Sa loob ng mahigit 7 taong paninilbihan sa Cagayano ni Gob.  Antonio nakamit ang progreso at maunlad na Cagayan.

Kabilang ang 10K Agenda na siyang naging pamantayan at gabay upang maihatid ang serbisyo at programang may direktang epekto sa buhay ng mga Cagayano. Nariyan ang pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad ng Small Water Impounding Project (SWIP) upang matugunan ang pangangailangan sa pagsasaka ng mga Cagayano na pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga ito. Dagdag pa rito ang mga iba’t ibang proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan tulad ng scholarship program, pabahay program, health program at iba pa na tugon sa mga hiling at kailangan ng mga Cagayano.

Ngunit hindi magiging matagumpay ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan kung walang suporta ang mamamayang nasasakupan. Naniniwala ang Pamahalaang Panlalawigan na malaki ang responsibilidad at gampanin ng mga Cagayano sa pag-unlad at progreso ng prubinsya ng Cagayan. Ang pakikiisa at pakikilahok ng mga Cagayano sa paggogobyerno ang siyang pinakambisang paraan upang makamit ang tunay na pag-asenso. Ang pagkilala sa kanila bilang katuwang sa paggogobyerno ang siyang sangkap upang masiguro ang kinabukasan ng mga Cagayano.

Ang Gobyerno Ti Umili, isang paninindigan at isinasabuhay na ang pamamahala ay hindi lamang gawain ng gobyerno kundi gawain at responsibilidad ng bawat mamamayan. Ito ay salubungan sa pagitan ng gobyerno at tao. Ito ay isang legasiya na kailaman ay hindi malilimutan ng bawat Cagayano ang pagsasapraktika na kasangga ang taong bayan sa pagsulong sa pag-unlad ang prubinsya.

Salubungin ang pagunlad ng isang taas noong pagpapakilala sa buong bansa na ako’y isang Cagayano.

 
Leave a comment

Posted by on August 28, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: