RSS

EDITORYAL (08/25/2014)

02 Sep

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL


OFW… tinaguriang mga makabagong bayani ng lipunan. Tunay na mahalaga ang trabaho at tungkulin na ginagampanan ng mga Pilipinong naghahanapbuhay at nakikipagsapalaran sa ibang bansa o mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga perang kanilang ipinadadala o remittances dito sa Pilipinas ay tumutulong sa pagpapatatag at pagpapalago ng ating ekonomiya. Kabilang sila sa mga bumubuhay sa ating ekonomiya. Dahil sa malaking tulong na naiaambag ng mga OFW sa ekonomiya, sila ay tinaguriang makabagong bayani ng lipunan.

Dahil dito at sa mga patunay sa kahalagahan ng mga OFW sa ating lipunan, nararapat lamang na bigyan sila ng magandang serbisyo ng gobyerno. Kung kaya, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay walang pagmamaliw na makiisa sa mga ahensya na siyang nagbibigay proteksiyon at seguridad sa ating mga Cagayanong OFW. Patunay dito ang paglagda ng Pamahalaang Panlalawigan kasama ang mga nasasakupan nito sa isang Memorandum of Agreement na siyang mangangalaga sa karapatan, magbibigay seguridad at magpapalawig at magpapaigting ng mga programa at serbisyong nararapat sa ating mga makabagong bayani.

Sadyang mahirap at malungkot ang mawawalan ang isang tahanan ng mahal sa buhay kahit pansamantala lamang. Ang pakikipagsapalaran ng mga Cagayanong OFW para lamang maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa para maibigay ang maganda at asensadong buhay para sa kanilang pamilya. Hindi nila alintana ang hindi mapapantayang sakripisyo, hirap at lungkot na kanilang dinaranas para lamang maiangat sa kahirapan ang kanilang mga mahal sa buhay. Gustuhin man nila na manatili sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay ay hindi maaari sapagkat kinakailangang maghanapbuhay para sa pag-unlad at pag-asenso ng pamilya. Tanging ang ikabubuti at magandang kapakanan ng kanilang pamilya ang kanilang iniisip at isinaalang-alang, kaakibat nito ang hindi makasama ang pamilya.

Tunay nga na hindi mapapantayan ang mga hirap at sakripisyo ng mga Cagayanong OFW. Kung kaya ang binibigyan halaga at proteksyon ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga naiwang pamilya ng ating mga kapatid na naghahanapbuhay sa ibang bansa. Kabilang din dito ang paggabay at pagtulong sa ating kapwa-Cagayanong nagnanais magtrabaho sa ibang bansa at ang pagprotekta sa kanila laban sa mga illegal recruiters.

At para sa ating mga Cagayanong OFW, sa kabila ng pagnanais na manatili sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay at imbes na unahin nila ang kanilang sarili, sila ay handang maghirap at magsakripisyo hindi para lamang maiangat at mapaunlad ang buhay ng kanilang pamilya kundi para mapaunlad at mapaganda ang ekonomiya ng ating prubinsya. Mabuhay kayo.

 
Leave a comment

Posted by on September 2, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: