RSS

EDITORYAL (09/01/2014)

18 Sep

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Tunay na walang humpay ang kakayanan at galing ng mga Cagayano sa larangan ng sports. Patunay ito ng pagiging kampeonato sa Cagayan Valley Regional Athletic Association Meet (CAVRAA). Dagdag pa ang papuri at parangal na ibinigay sa prubinsya sa nilahukan nitong mga sports events tulad ng Shakeys V-League, Philippine Superliga, PBA D-League at Philippine National Games. Kabilang din ang mga nasungkit na medalya ng mga atletang Cagayano sa pagsali nito sa mga national games.


At upang lalong makilala at mahasa ang mga Cagayano sa larangan ng sports, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay nagsagawa ng kauna-unahang Cagayan Athletes Training Pool. Ang training pool ay malaking tulong sa mga Cagayanong atleta upang maihanda at mapahusay ang kanilanhg angking galing, abilidad, talino at kakayanan. Ito rin ay isang pagsasanay sa mga Cagayano na harapin ang mga hamon at pagsubok gamit ang sipag, tiyaga, disiplina, determinasyon, lakas ng loob at tiwala sa sarili upang magtagumpay, matuto at umunlad.


Hindi rin isinasantabi ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapaunlad ng mga pasilidad na pang-sports na tunay na makakatulong sa pagpapahusay sa mga Cagayanong atleta. Kasama rito ang pagpapaunlad sa Cagayan Sports Complex at ang patuloy na suporta at ayudang ibinibigay nito sa mga atletang Cagayano. Ito rin ay isang paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan sa darating na malaking palaro na kabibilangan ng mga atletang galing sa ibang prubinsya, ang SCUAA. Sa pamamagitan nito, mapapaunlad din ang turismo ng prubinsya na siyang magdadala ng pag-unlad ng ekonomiya nito.


Kaugnay din nito ang pagtuwid sa landas ng ating kabataan upang mailayo sila sa tukso na maaaring sumira sa kanilang buhay. Sa pamamagitan ng paggugol ng kanilang libreng oras sa paligsahan at laro, naigugugol nila rito ang kanilang lakas ng katawan. Natutunan din nila ang pagkakaroon ng disiplina, determinasyon, dedikasyon at ang pagtugon ng positibo sa mga hamon at pagsubok at nagpapalalim ng pagkatao ng mga kabataan sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa pangkalahatan at pagkakaroon ng tiwala sa sarili.


Muli, ang paligsahan ay oportunidad upang magtagumpay gamit ang lakas ng loob, determinasyon at pagtugon ng positibo at praktikal na pang-unawa sa buhay na hindi hadlang ang kahirapan o kapansanan. Ngunit sa kabila ng tagumpay at parangal na tinatamasa, ating tandaan ang kaakibat nitong responsibilidad, pagpapakumbaba, pagkakaroon ng tamang prinsipyo, pagpapahalaga sa kapwa at hindi pasisilaw sa anumang masamang maidudulot nito tulad ng pang-aabuso at tukso ng pera.

 
2 Comments

Posted by on September 18, 2014 in NEWS

 

2 responses to “EDITORYAL (09/01/2014)

  1. jeng vergara

    September 18, 2014 at 1:47 pm

    Pwede po ba gawing proyekto ang pag adopt ng OFW mula paaral saTESDA hanggang mapaabroad? Isang pamaraan ng pagtulong sosyal. Parang flynow pay later. Para sa nomination by barangay poor but deserving

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: