RSS

EDITORYAL (09/15/2014)

23 Sep

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Edukasyon… gaano nga ba kahalaga para sa bawat isa at sa sambayanan? Ito ba ay nagbibigay ng kapangyarihan upang magawa ang lahat ng naisin? Ito ba ay isang paraan upang makatulong sa pag-unlad at pagpapaganda ng kinabukasan?
Wika nga nila, “edukasyon ang solusyon”…solusyon upang umangat ang estado ng buhay at makamit ang mga minimithing pangarap. Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Napapalakas din nito ang loob ng isang tao para harapin ang hamon at pagsubok ng buhay. Ito rin ay isang pamana na kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman.

Ngunit hindi lingid sa ating mga Cagayano na upang makapagtapos ng pag-aaral, kaakibat nito ang pangangailangang pinansyal. Pinansyal na siyang tutugon sa bawat matrikula, proyekto, kuwaderno, libro, pamasahe at baon na nagtutulak sa mga magulang o mismong mag-aaral upang kumayod at masustine ang mga pangangailangang ito. Kung minsan, dahil sa kakulangan sa badget, kinakailangang huminto o ipagpaliban muna ng isang mag-aaral ang kanyang pag-aaral, pag-aaral na siya sanang magdadala sa kanya upang magtagumpay at lumaban sa mga pagsubok ng buhay.

Sa kadahilanang ito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, na katuwang ng mga  Cagayano, ay nagsasagawa ng mga programang pang-edukasyon upang matulungan ang bawat kabataang Cagayanong makapagtapos ng pag-aaral. Nariyan ang Bin-I ti Agtutubo Scholarship and Youth Development Program (BTA-SYDP) na siyang nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral. Kabilang din ang Special Program for Employment of Students (SPES) na nagbibigay ng trabaho sa mga estudyante katumbas ang kanilang sahod na siya nilang magagamit sa kanilang pag-aaral. Dagdag pa ang mga imprastrakturang pang-edukasyon na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan na siyang tunay na makakatulong sa mga mag-aaral. Bukod pa rito, may mga ayuda at suporta ring ibinibigay sa mga guro na kabilang sa Provincial School Board, mga gurong nagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan.

Sa pamamagitan ng mga programang ito, magkakaroon ng oportunidad ang bawat kabataan na magkaroon ng mabuting kinabukasan. Ito rin ay isang daan upang makahanap ng magandang trabaho na tulay tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa edukasyon din nahuhubog ang kabataan upang magkaroon ng matatag na pundasyon sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay.

Sa edukasyon, hindi lamang ito limitado sa akademiko kundi kabilang din ang paghubog sa pagkatao ng kabataan na maging isang responsableng mamamayan. Tinuturuan din sila kung paano nila pauunlarin ang kanilang sarili upang maging produktibo at kapakipakinabang.

Kung kayat para sa mga kabataan, gamitin ang karunungan at oportunidad nang wasto at lubos. Maging isang mahalagang bahagi ng inyong pamilya, ng inyong komunidad at ng buong lipunan. Iyan ang pangarap at mithiin na nais ipakilala at iparating ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kabataan na siya niyang magiging katuwang pagdating ng araw upang makamit ang pag-unlad at pag-asenso ng buong lalawigan.

 
Leave a comment

Posted by on September 23, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: