RSS

EDITORYAL (09/22/2014)

03 Oct

peoples action masthead final jpeg


EDITORYAL

Ilan sa mga problemang kinakaharap ng ilang Cagayano ay ang mukha ng hirap na dinaranas dahil sa kawalan ng trabaho, malawakang tanggalan at mababang sahod na sanhi ng kawalan ng pagkain sa mesa. Dagdag pa rito ang paghagupit ng bagyo na nag-iwan ng pagkasira ng kabahayan, pag-aari at kabuhayan.

Sa kadahilanang ito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ay patuloy ang isinasagawang sistema at programa upang masagot ang mga problema at maibsan ang paghihirap ng mga Cagayano. Patuloy ang suporta at ayudang ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga Cagayano na siyang mag-aangat sa antas ng kanilang kabuhayan.

Nariyan ang mga proyektong pangkabuhayan tulad ng Banuar ti Agdama Livelihood and Economic Development Program (BTA-LEDP) na nagbibigay ng puhunan at tulong pinansyal para sa negosyo at nagbibigay ng kita at trabaho para sa mga Cagayano. Dagdag pa rito ang tulong sa mga magsasaka, lalo sa mga nasalanta ng bagyo, sa pamamagitan ng pagbibigay ng binhi at iba pang gamit sa pagsasaka.

Kabilang din ang iba pang tulong at serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan na siyang makakatulong sa mga Cagayano, tulong na siyang bawas sa kanilang mga gastusin. Nariyan ang ayuda para sa pag-aaral ng mga kabataang Cagayano na siyang magdadala sa kanila na magkaroon ng magandang trabaho at matupad ang kanilang pangarap. Kasama rin ang tulong medikal at iba pang pangangailangang pangkalusugan upang magkaroon ng magkaroon ng malusog na pangangatawan at pag-iisip ang mga Cagayano. Sa pamamagitan nito, magagampanan nila ang kanilang tungkulin sa siyang magdadala sa kanila sa pag-unlad at pag-asenso.

Hindi rin lingid ang kontribusyon ng mga proyektong imprastraktura sa pag-angat ng antas ng kabuhayan ng mga Cagayano. Tulad na lamang ng pagbubukas ng mga kalsada na siyang kakailanganin sa pagdadala ng produktong pangkomersyo. Ang pagpapaunlad din ng turismo sa ating prubinsya ay siya ring nagdadala ng mga mamimili na makakatulong sa pag-unlad at paglago ng mga negosyo sa prubinsya.

Tunay ngang laging nandiyan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na handang tumulong at gumabay sa mga Cagayano, ngunit ating pakatandaan na mahalaga ang initsyatiba at sama-samang paggampan ng responsibilidad at tungkulin upang umasenso at umunlad sa buhay.

 
Leave a comment

Posted by on October 3, 2014 in NEWS

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: